Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko, at hindi susuko!
--AMADO V. HERNANDEZ, "Panata sa Kalayaan"
No uprising fails. Each one is a step in the right direction.
--SALUD ALGABRE
JANUARY 2009 HAPPENING
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
“GLOBAL CRISIS, WAR, AND THE ACADEME”
DELIA AGUILAR E. SAN JUAN, JR. guest speakers
12 January 2009 10 am, CAL New Bldg. Rm 201
- Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP)
PAGSUBOK SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS ni E. SAN JUAN, Jr. Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop, / tubo ko’y dakila sa puhunang pagod….” --Francisco Baltazar, “Kay Selya” Only through the objectively unfolded richness of man’s essential being is the richness of subjective human sensibility either cultivated or brought into being…. The forming of the five senses is a labor of the entire history of the world down to the present. --Karl Marx, Economic and Philosophic Manuscripts of 1844 Dalawang bagay ang bumigo sa akin nang napakalaki: Ang paglipad ko sa Hongkong at ang paglagpak ko sa pulitika. --Jose Corazon de Jesus, “Talambuhay ng kanyang sarili” Dahil sa masidhing pagkagumon ng marami sa komersyalisadong aliwan--telenobela, pelikulang tatak-Hollywood, malling, kulto nina Bieber at iba pang dayuhang selebriti sa awitan at isports---pambihira na ang bumabasa o may in...
ULIRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG: Tungo sa Mapagpalayang Sining ni E. San Juan, Jr. Kamakailan, bago ipinawalan ang “Morong 43” na biktima ng AFP/PNP terorismo, tinangkang bumisita sa kanila habang nakapiit sa Camp Bagong Diwa, Taguig, ang isang grupo ng makata at pintor. Nais ng Defend-ST, Artists Arresst, at Kilometer 64 na magdaos ng workshop para sa mga bilanggo. Bagamat may pahintulot sa BJMP-Capitol Region, hindi sila pinahintulutan ng jail warden. Ipinagbawalan. Mapanganib ang sining. Di lamang nakapupukaw, nakagagambala pa. Walang lusot ang mga dumaramay. Bukod sa marahas na strip search na bati ng mga guwardiya, kinumpiska ng mga awtoridad ang lahat ng babasahin. Kinunan ng litrato ang mga alagad ng sining, inimbestiga at pinagtatatanong. Itinuring ang mga dalaw na mga kriminal (ulat ni Ronalyn Olea, Bulatlat, 5 Oktubre 2010). Sinamsam ang ilang babasahin kritikal sa rehimeng Arroyo. Sindak at takot ang naghari. Sa malas, hindi ito nakagugulat. Noong bungad ng dekada 80...
HANDOG KAY ANDRES BONIFACIO: KATWIRAN, KALAYAAN, KATUBUSAN ni E. SAN JUAN, Jr. Katakutan ang kasaysayan sapagkat walang lihim ang maitatago sa kanya. --GREGORIA DE JESUS Ugali na kapag pinag-uusapan ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, ang "Supremo," nauuwi sa trahedya ng Tejeros/Naik/Maragondon. Hindi trahedya kundi ironya o kabalighuan: ang pasimunong nagtatag ng Katipunan ang pinaratangang taksil sa rebolusyon at pinaslang noong Mayo 10, 1897. Ngunit kung hindi nangyari iyon, ang katunayan ng uring ilustrado at ng tusong pagkakanulo't paglililo (mga katagang malason sa diwa ni Balagtas) nila sa rebolusyon ay hindi umabot sa kaganapan. Subalit ang nakagawiang pagdakila sa bayani ay hindi garantiya na hindi mauulit ang pagdaraya ng mga mapagsamantalang uri. Masdan na lang ang pagbibigay muli ng ...
Comments