KAILANGAN LAMANG, IDUGTONG AT PAGKABITIN








KAILANGAN LAMANG, IDUGTONG AT PAGKABITIN ANG MGA AKSIDENTE

“Only connect….”
--E.M. Forster, A Passage to India


--E. SAN JUAN, Jr.



….Di na umasa sa pirasong ass ni Britney Spears “sneaking into the Philippines”
tuluyang sumabak ang katawan sa rali ng GABRIELA
mula Rotunda hanggang Plaza Miranda--

Nasulyapan kita Walang babala’y sinagi pinadaplisan mo lamang….

Ay, titi ng Ama, salbakutang kabuktutan ng rehimeng Arroyo!
Paano maibubuo ang body politic mula sa pira-pirasong lamang ikinalat sa buong daigdig?

Samantala, sentensiyado na si William Corpuz, Pinoy sa California, USA--
nilaslas niya ang lalamunan ng asawa, nilaslas ng walang premeditasyon--
Nagprotesta ang mga Pinay, pati si Eve Ensler ng “Usaping Puk….”

Salbakutang seksismo ba ang dahilan? O situwasyon ng OFW sa buong daigdig?
Nangyari ito sa “land of milk and honey”--Ay, titi ng American Idols at Lea Salonga!

Saksi tayo sa krimeng extrajudicial killings, salvaging, terorismo ng Estadong neokolonyal
habang U.S. “Special Forces” ang dumarambong--hindi “sneaking”--sa Mindanao at Luzon….

Idugtong, pagkabitin lamang ang deliryo ni Corpuz at habeas corpus--
Nilaslas na ang mga lalamunan nina Shirley Cadapan, Luisa Posa-Dominado, Jonas B.--
Ay, titi ng Ama, di mabilang na biktima ng sistemang bulok, ng ordeng malupit!

Sa pagitan ng Rotunda at Plaza Miranda, walang premeditasyong hahagkan yayapusin kita
upang idugtong at pagkabitin ang kaluluwa’t katawang hiniwa’t naihiwalay

Magkapiling tayo, Mahal, panganib/gayuma ng madugong kontradiksiyong sumasabog---.###

---

[Naging Visiting professor of English and Comparative Literature sa U.P., Diliman, Quezon City, kamakailan, si E. San Juan, Jr. ay magsisilbing Fellow of the W.E.B. Du Bois Institute for African and African American Research, Harvard University, sa Spring 2009. Inilunsad ng Ateneo University Press ang pinakahuling libro niya, BALIK-BAYANG SINTA; AN E. SAN JUAN READER, at sa taong ito ilalabas ng U.P. Press ang kanyang koleksiyon ng mga sanaysay, FROM GLOBALIZATION TO NATIONAL LIBERATION. Kasalukuyang nakabase sa U.S., si San Juan ay kasapi ng American PEN Center, Philippines Forum, at Committees of Correspondence for Democracy and Socialism. ]

Comments

Popular posts from this blog

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

INTRODUKSIYON KAY EFREN ABUEG--E. San Juan, Jr.

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.