HIGANTI NG MGA INDYANG PEQUOT
BIYERNES NG HAPON, OKTUBRE 1, 2005, SA WILLIMANTIC, CONNECTICUT, USA
Sa hapong taglagas may sugat na umaantak
Sa lamat ng mga kalsadang aspalto sa lungsod na dating pastulan ng mga
katutubong Indyang Pequot.
Anong kabulaanan ang itinatago ng mga kortina sa durungawan?
Hindi alam ng mga kalapati kung anong kulay ng pag-asa.
Naupos na sigarilyo’y ibinurol ko sa tabi ng Tulay ng mga Palaka
Habang patungo ang prusisyon ng trapik sa Foxboro Casino--
sugalang pag-aari ng Indyang Pequot.
Kung bakit sumingit sa isip ang Abu Sayyaf?
Sa takipsilim ng tag-lagas sinisilip sa gunita ang kutob at kilabot
bago tayo naglakbay patungong Amerika.
-- ni E. SAN JUAN, Jr.
Comments