Posts

ULIKBA & AT IBA PANG TULA

Image
ULIKBA AT IBA PANG BAGONG TULA ni E. SAN JUAN, Jr. MGA  NILALAMAN PAUNANG SALITA 1  Parabula ng Pakikibaka 2  Bukas, May-Nilad! 3  Baguhin Mo ang Iyong Buhay 4  Montage: Tatlong Kuha ng Baguio City 5  Biyernes ng Hapon Sa Oktubre 6  Punta Spartivento 7  Uyaying Naghahanap ng Makabagong Kantor 8  Balikbayang Sinta 9  Itaga Sa sa Bato 10  Problema na ng Makata sa Panahon ng Terorismo 11  Simulakrang Abot Abot-Tanaw 12  Sa Hardin ng Villa Serbelloni, Bellagio, Italya 13  Ipaubaya sa Ulikba 14  Hintay, Sandali Lamang, Birheng Walang Awa 15  Harana sa Isang Kasama, Hinahamon ang Tadhana 16  Biyaya ng Tagapagligtas 17  Sandaling Pahinga’t Pagninilay Pagkatapos ng Pakikipagtalik 18   Pahiwatig ng Armadong  Paraluman 19  Mitsa ng Parikalang Umuklos sa Bituka 20  Pagbaybay sa Transisyonal na Landas ng Pagbabago 21  Naligaw na Dahong Lagas 22 ...

POLITIKANG SEKSUWAL SA PILIPINAS

Image
PUKAWIN NG PUKPOK ANG PULOT-PUKYUTAN: POLITIKANG SEKSUWAL SA PANAHON NG TERORISMONG NEOLIBERAL  -- ni E. San Juan, Jr. ANG     Kung hindi man ito kalakaran, ang tumututol ay siyang nagtatampok ng problema, bagamat salungat sa namamaraling opinyon o doxang pangmadla. Sinomang bumanggit ng seks ay kasabwat na ng mga bastos at mahalay. Sabi-sabi ito. Batikusin mo, ikalat mo't palaganapin. Bakit mali ito?     Ang usapang seksuwal ay di na masagwa o mahalay ngayon. Buhat noong maging sikat, bagamat kontrobersiyal, ang "Vagina Monologues" ni Eve Ensler, tila hindi na nakasisindak tumukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae. Ang estilong bugtong o talinghaga sa seks--gawaing pakikipagtalik--ay itinuturing na sintomas ng neurosis o maselang sakit ng budhi. Paano ang seks ng transgender, hybrid o cyborg? Ordinaryo na lamang ang seksuwal chitchat. Bakit hindi kung laganap na ang advertisement sa Viagra at iba pang drogang nagpapaudyok sa hindut...