KONTRA-MODERNIDAD: PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAGTUKLAS NG SARILI NATING MAPAGPALAYANG KABIHASNAN Kung ang katotohanan ay matatagpuan sa pagtutugma ng katuwiran at karanasan, ang kabutihan ay matatamo sa pagtutugma ng teorya at praktika. --APOLINARIO MABINI, La Revolucion Filipina ni E. SAN JUAN, Jr. Bakit naging problema ang modernidad ng Pilipinas? Kasi 12 milyong OFWs ang kumalat sa buong mundo? Di tulad ng maunlad na bansa sa Europa, Hapon, atbp? Nangangahulugang di pa tayo umabot sa modernidad ng mga industriyalisadong bansang siyang modelong halimbawa ng modernidad? Kaya nga naging laboratoryo tayo ng mga dalubhasa sa programang modernization tatak U.S. noong dekada 1960 batay sa paradigm nina Talcott Parsons, W.W. Rostow, atbp. Ayon sa teoryang modernisasyon, walang “structural differentiation” sa lipunan natin. Teknolohiya ang humuhubog sa halagahan (values), ang iskema ng paniniwala, saloobin, diwa ng karamihan. Ang tipong pampersonal ay naisillid sa de-kahong...
Posts
Showing posts from 2018
- Get link
- X
- Other Apps
PAGBUBULAY-BULAY NG INTELEKTWAL NA SAMPAY-BAKOD Nang ika-10 gulang, nagnais akong matuto’t maging marunong Nang ika-15 gulang, nabatid kong tama ang gurong Mang Andoy Nang ika-21 gulang, natiyak ko na ang daan Nang ika-30 gulang, nasulyapan ko na ang guhit-tagpuang abot-tanaw Nang ika-36 gulang, nabilibid ako sa kasong pakikiapid (natiklo, ay malas!) Nang ika-40 gulang, nagpasiya akong pwede nang makipag-sapalarang mag-isa Nang ika-50 gulang, bayad na ako sa mga utang at butaw Handa na akong umakyat sa bundok— Napaglirip sa panahon ng paglalakbay hanggang dito, palipat-lipat ang diwa
Sa pagitan ng ibong makulay ang bagwis nakatuon sa panaginip at pantasiya At isdang nagtatampisaw sa putik, matimtimang dumaranas ng udyok at simbuyo ng damdamin…. Hinahangad ko mula ngayon, sa kabila ng gulo’t panganib ng kapaligiran, Sundin ang dragon ng isip, matimyas na pagnanais makahulagpos Upang sa gayon makaigpaw sa bangin at makatawid ...
PAYO SA MGA ANARKISTA. ni E. San Juan, Jr.
- Get link
- X
- Other Apps
ASIGNATURA PARA SA MGA ANARKISTA (Hinangong ambil mula kay Yoko Ono) A. Gupit-gupitin ang lahat ng inilimbag na kopya ng mga pasyon nina Gaspar Aquino de Belen, Luis Guian, Mariano Pilapil at Aniceto de la Merced, pati na ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro. A1, Ipamudmod ang pira-pirasong labi sa lahat ng mabahong estero ng Metro Maynila at kanugnog na pook. B. Punitin at gulanitin ang Parnasong Tagalog ni Alejandro Abadilla, pati mga aklat ng mga tula nina Jose Garcia Villa & mga premyadong/lawreyadong mambeberso sa Ingles. B1. Ikalat iyon sa bukana ng Mall of Asia, SM, Trinoma, Ultra Mall, Market Market, at ilan pang pamilihan sa Reina Regente, Binondo & Dibisorya. C. Tipunin lahat ng librong nagkukunwaring siyang pinakamabuting balarila o gramatika ng wika, pati lahat ng mga arte poetika mula sa Vocabulario nina Noceda at Sanlucar hanggang mga turo nina Lope K Santos at Julian Cruz Balmaseda, pati na lahat ng tulang may tugma't sukat ayo...
SEMIOTIKA NI CHARLES SANDERS PEIRCE--Maikling Introduksiyon ni E. San Juan, Jr.
- Get link
- X
- Other Apps
KAHULUGAN, KATOTOHANAN, KATWIRAN: PAGPAPAKILALA SA SEMIOTIKA NI CHARLES SANDERS PEIRCE Panayam ni E. San Juan, Jr. Tanyag sa buong mundo si Charles Sanders Peirce, Amerikanong dalubhasa sa pilosopiya’t agham (1839-1914), bilang imbentor ng “pragmatismo,” isang metodong sumisiyasat sa proseso ng pagpapakahulugan. Bagamat pantas sa maraming agham, hindi siya nabigyan ng permanenteng posisyon sa akademya dahil sa labag-sa-kumbensiyonal na pamumuhay. Liban na sa maliit na pulutong ng mga kolega tulad nina William James at Josiah Royce, halos walang kumilala sa kanyang galing at dunong noong siya’y buhay. Ngayon na lamang tanggap na siya marahil ang pinakaimportanteng pilosopong nabuhay sa Amerika. Malaki ang impluwensiya niya sa mga modernistang paham tulad nina Bertrand Russell at Ludwig Wittgenstein, bukod sa makatas na ambag sa malawak na larangan ng lohika, astrophysics, lingguwistika at semiotika. Halos di nababanggit sa talambuhay ang progresibong paninindigang pam...