Posts

Showing posts from 2013

TULA--Depinisyon, halimbawa--ni E. San Juan

Image
TULA ABA                                 ALIMURA                                                                                           ANAS                                           ...

LAMUYOT NG LIBOG -Tulang Konseptuwal ni E. San Juan, Jr.

Image
LAMUYOT  NG  LIBOG - Tulang Konseptuwal ni E. San Juan, Jr.

NOBELA NI EFREN ABUEG, HUWAG MONG SAKYAN ANG BUHAWI!--Kritika ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
                INTRODUKSIYON SA NOBELA NI EFREN ABUEG, HUWAG MONG SAKYAN ANG BUHAWI ni E. SAN JUAN, Jr.            Sa pulutong ng mga kabataang manunulat noong dekada 60 hanggang sa huling dako ng dantaong nakalipas, si Efren Abueg ay namumukod sa kanyang mapanghamong sosyo-realistikong sining. Mapanuri at progresibo, ang mga akda niya ay nagsilbing sandata sa kolektibong pagpupunyaging matamo ng sambayanan ang pagkakapantay-pantay, katarungan, dignidad ng bawat tao, at tunay na kasarinlan ng Pilipinas.     Isang halimbawa ng mapagpalayang sining ni Abueg ang nobelang ito na lumabas sa Liwayway noong 1985-86. Bantog na si Abueg simula nang gantimpalaan ang kanyang nobelang Dilim sa Umaga (1967) at kuwentong "Kamatayan ni Tiyo Samuel" (1967). Nailimbag kamakailan ang Mga Kaluluwa sa Kumunoy (2004) na kabahagi ng isang epikong panorama na- nag-umpisa sa Apoy sa K...

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.

Image
HANDOG KAY ANDRES BONIFACIO: KATWIRAN, KALAYAAN, KATUBUSAN ni E. SAN JUAN, Jr.          Katakutan ang kasaysayan sapagkat walang lihim ang maitatago sa                 kanya. --GREGORIA DE JESUS      Ugali na kapag pinag-uusapan ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, ang "Supremo," nauuwi sa trahedya ng Tejeros/Naik/Maragondon.  Hindi trahedya kundi ironya o kabalighuan: ang pasimunong nagtatag ng Katipunan ang pinaratangang taksil sa rebolusyon at pinaslang noong Mayo 10, 1897. Ngunit kung hindi nangyari iyon, ang katunayan ng uring ilustrado at ng tusong  pagkakanulo't paglililo (mga katagang malason sa diwa ni Balagtas) nila sa rebolusyon ay hindi umabot sa kaganapan.         Subalit ang nakagawiang pagdakila sa bayani ay hindi garantiya na hindi mauulit ang pagdaraya ng mga mapagsamantalang uri. Masdan na lang ang pagbibigay muli ng ...

DISKURSO NI JOSE RIZAL: Kasaysayan, Himagsikanb ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
JOSE RIZAL:  PANGHIHIMASOK  NG  IMAHINASYONG PANGKASAYAYAN                ni E. SAN JUAN, Jr .          Palasak nang ituring sa kasalukuyan na ang paksang inihudyat ng pamagat ko sa lekturang ito'y gamit na gamit na, ibig sabihi'y nakasusuya kundi nakaaantok. Ako man ay sawa na sa mga panayam at talumpating nag-uumapaaw sa clicheng pumupuri sa kabayanihan ng "First Filipino" (bansag ni Leon Ma. Guerrero),  mga gasgas na halimbawa at de-kahong pagtataguyod ng kumbensyonal na sukat ng kahalagahan ayon sa pamantayan ng dominanteng uri sa lipunan. Lihis sa nakaugaliang pagtatanghal sa kulto ni Rizal, sa panimula'y nais kong isusog ang ilang panukalang makasisilbing mapanghamong pambungad sa ilang repleksiyon ko tungkol sa tatlong sanaysay ni Rizal: "Liham sa Mga Kakabaihan sa Malolos" (1889), "Sobre la Indolencia de los Filipinos" (1890), at "Filipinas, dentro de Ci...