ALAY KAY MAITA GOMEZ, BAYANI NG MASANG FILIPINO
ALAY KAY KASamang MAITA GOMEZ, Armadong Paraluman
--E. SAN JUAN, Jr.
Mahal,
Nagliliyab
ang lansangan ng Islang Puting Bato nang ikaw’y lumisan
Sa iyong
balintataw nagtalik ang liwanag at
dilim
Nagtipan ang
luha’t ngiti sa hanggahan ng pangako’t alaala
Saang likong
landas tayo naghiwalay, nakipagsapalaran?
Pumalaot ka
sa lagim ng lungsod, napigtal sa diwa’t nakintal sa dibdib
Patnubay ang
masang kumalinga, sabik sa paglaya’y naglakbay
Bagwis sa
budhi’y pumailanlang sa madugong
larangan
Sa gilid ng
bangin naglamay, sa gubat ng
gunita naghintay
sa
tukso ng mapagkandiling bituin….
Sa
bawat pintig ng iyong kaluluwa, sa bawat himaymay
Nagpupumiglas
ang sinag ng kinabukasan—
Luningning
ng pag-asa, halimuyak at alindog ng panaginip
ng armadong diwatang kusang naghandog, kumalas, nagligtas—
Mahal,
Nilambungan
ng usok at apoy ang gayuma ng iyong pilik-mata
Humagip ang
bagwis ng guniguning lumipad
lumapag
Lumusong ka’t
tinahak ang tulay sa nilunggating ligaya
Sa dusa’t
aliw ng busabos, binalangkas mo ang hiwaga ng darating.
Saang dulo ng
landas kaya tayo magtatagpo, abot-tanaw?
Binaybay mo
ang ilog, dumaramay sa udyok ng mapagpaubayang
batis sa lambak
Sa takipsilim
gumapang ang sugatang katawan sa dalampasigan
Sinasalubong
ang luwalhating biyaya, agos ng bukang-liwayway.
Sa
bawat pintig ng iyong kaluluwa, sa bawat himaymay
Nagpupumiglas
ang sinag ng kinabukasan—
Luningning
ng pag-asa, halimuyak at alindog ng panaginip ng armadong
diwatang kusang naghandog,
kumalas, nagligtas—
Mabuhay
ka, armadong paraluman, bayani ng sambayanan.
Comments