ANG KRIMENG PAGPASLANG KAY REBELYN PITAO


HINDI PA KASI TAYO “CIVILIZED”—
ANG PAGPATAY KAY REBELYN PITAO NG MGA MILITAR AT PAMAHALAAN NI GLORIA MACAPAGAL-ARROYO


Naibalita sa Internet, kamakailan, na hindi raw gaganti ang NPA sa pagpaslang ng
gobyerno kay Rebelyn Pitao
Ngunit ito ba ang hinihingi ng masa?
Humihingi ang masa ng hustisya at “accountability”: Sino ang mananagot sa krimeng
ito?
Naunahan na tayo sa sagot ng NPA….
Nailinya na ba ng partido ang damdamin lungkot pait sakit pagpigil ng galit ng masa?
Nailinya na ba kung paano magagalit o matutuwa?
Nailinya na ba kung kalian dapat mapoot at kailan dapat umibig?
Nailinya na ba kung paano dapat maging mapaghinala o mapagtiwala?
Nailinya na ba kung paano maging mataray o masuyo?
Nailinya na ba kund paano dapat maging matalino o maging tanga?
Nailinya na ba lahat ng hindi pa nararanasan?
Kung nag-aapoy ang galit, masusubhan ba iyon ng tubig ng panghihinayang?
Hanggang saan dapat umabot ang pasensya?

Noong digmaan ng Filipino't Amerikano noong 1899, na kumitil ng 1.4 milyong Filipino, itinanong sa U.S. Senado si Gen. Robert Hughes na kumander ng US Army sa Bisayas kung bakit pinarusahan din ang mga sibilyan, mga babae't musmos, sa pagsugpo ng Amerikano sa mga rebelde.
Ito ang sagot ni Gen. Hughes:
"The women and children are part of the family, and where you wish to inflict a punishment you can punish the man probably worse in that way than in any other."

Ay, naku, di mo akalain-- Natuto pala ang militar ni Gloria Macapagal-Arroyo!
Natuto pala ang AFP at mga para-militar na bayaran kay Gen. Hughes,,,

Itinanong ni Senator Rawlins si Gen. Hughes kung iyong ginawa nila ay "within the ordinary rules of civilized warfare", ang sagot: "These people are not civilized."

Ayon, ayos! Sa kabila na isang siglong distansiya mula sa pagsakop sa atin ng Amerikanong imperyalista,
totoo palang hindi pa tayo "civilized," wika nga.

--E. SAN JUAN, Jr.

Comments

Popular posts from this blog

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

INTRODUKSIYON KAY EFREN ABUEG--E. San Juan, Jr.

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.