MADAPA KA GMA AY NAKU, MADAPA KA





MAKABAGONG DASAL: MADAPA KA, PRESIDENTE GLORYA!


[Paumanhin kay Rex Navarette]



Taym out muna tayo. ‘pare, sa kawalanghiyaan ng eleksyong nagdaan
Nagkandarapa ka sa mga kalokohan nina Ruffa Gutierrez at Kris Aquino sa TV

Di na natin maatupag ang huling biktimang si Mario Auxilio sa Bohol
O ang huling dinukot, si Gilbert Rey Cardino—nagkandarapa sila sa paghanap sa pareng Italyano—

Huwag sanang madapa ang bagong senador Trillanes IV—Tiyak ng lahat,
Wala sa tatsulok ang mga desaparecido, nasa “safehouse” ng Estado

Kaya madapa ka, Glorya in excelsis deo?


Natagpuang bangkay sina Jun Bagasbas at Ronilo Brezuela ng partidong KABATAAN
Sa lantad na sulok ng sitio Santolan, Capalonga, Camarines Norte….

Hoy GMA madapa ka kunwari di mo alam

Kalat ang balitang pinatay sila ng mga sundalo ng Alpha Co., 31st Infantry Battalion—
Anong dilihensiya rito? Di naman jueteng ito, walang “kickback” o payola

Hoy GMA ingat lang baka madapa ka madapa ka

Ilan na b’ang kasapi ng BAYAN MUNA, GABRIELA, ANAKPAWIS ang pinatay ng teroristang
Estado?
Sina Sherlyn Cadapan, Karen Empeno, Jonas Burgos—saang tatsulok sila itinago?

Hoy GMA madapa ka Ay naku nagwawala

Kamakilan lamang dinukot is Berlin Guerrero, UCCP Pastor, sa Binan, Laguna
Tinortyur muna bago inilantad dahil si GMA ay hahalik sa Papa, kailangan ng PR—

Hoy GMA madapa ka madapa ka madapa ka

Muntik nang madali si Leeboy Garachico sa Panay, hanggang ngayon
Sina Nilo Arado at Luisa Posa Dominado ay nilalamog ng nagkandarapang AFP/PNP--

Hoy GMA talagang madadapa ka

199 aktibista na ang sapilitang pinagwala, 900 ang biktima ng extra-judicial killing—
Wala raw kinalaman ang Estado? Hanggang lumitaw si Lourdes Rubrico, lumalaban

Hoy GMA madapa ka walang biro

Sa kabila ng tatsulok, itatambad at ibabaon ang kabulukan ng rehimeng kriminal--
Sa lakas ng sambayanan matutuklasan ang nawawalang katarungan—

Hoy GMA madapa ka sapilitan ka ring mawawala

Comments

Popular posts from this blog

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

INTRODUKSIYON KAY EFREN ABUEG--E. San Juan, Jr.

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.