Posts

Showing posts from 2017

BAKAS: Dalumat ng Gunita't Hinagap, Memorya ng Kinabukasan--Tula ni E. San Juan, Jr.

Image
BAKAS:  Dalumat ng Gunita’t Hinagap, Memorya ng Kinabukasan — ni  E. SAN JUAN, Jr. AVENIDA RIZAL, STA. CRUZ (1938-1944) Buhay ay pakikipagsapalaran, lihis sa iyong pagnanais o pagnanasa Pook na dinatnan ay hindi nakaguhit sa dibdib, balintunang hinala Pook na binagwis ng alaala’t pag-aasam Tumatawid sa agwat/puwang ng panahong gumugulong sa buhangin Nakalingon habang dumudukwang sa agos ng alon— anong kahulugan ng pagsubok at pangakong itinalaga ng panahon?  Tayo ba ang umuugit sa daluyong ng kapalaran? Lumilihis sa bawat liko, sa bawat sandali nag-iiwan ng bakas ang katawan Sa bawat sulok, matatagpuan ang uling/alabok ng buong kasaysayan— Bumabagtas sa bawa’t yugto ang tunggalian ng uri, saan kang panig makikisangkot, kaya kailangang magpasiya Upang masunggaban ang sungay ng tadhana, ikawing ito  sa ating adhika’t pangangailangan ng komunidad— Tanong mo’y saan? Sagot ko’y kailan?  Bibingka ng hari, di mah...

U.S. INTERBENSIYON SA PILIPINAS & KRISIS SA MARAWI, MINDANAO

Image
INTERBYU KAY Prof. E. SAN JUAN, Jr., Polytechnic University of the Philippines Hinggil sa Sitwasyon sa Mindanao & Buong Pilipinas JVA:May masasabi po ba kayo sa pagpapataw ng gobyernong Duterte ng batas-militar sa Mindanao bilang huling paraan ng paglutas sa kaguluhan sa rehiyon dahil sa engkwentro sa pagitan ng militar at ng Maute sa Lungsod ng Marawi sa Lanao del Sur? Makakatulong po ba iyon sa paglutas sa mga problema sa Mindanao?  ESJ: Sa simula pa, ang saligang pananaw ni Pres. Duterte ay awtoritaryang pamumuno. Kahawig ito ng mga nagdaang estilo ng pangangasiwa. Gamitin ang dahas, AfP/PNP, upang mapanitili ang Estadong neokolonyal at ekonomyang mapagsamantala. Madalas niyang ulitin na ipapataw niya ang martial-law buhat nang ilunsad ang anti-drug war at iburol ang labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Bagamat mahigit 8-10,000 biktima na, patuloy pa rin ang masaker ng mga ordinaryong sibilyan.  Ang batas-militar ay sintomas ng lupaypay n...