Posts

POSTKONSEPTUWAL NA TULA, KONSEPTUWALISTANG SINING/DISKJURSO ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
SINALANG SALAWIKAIN NG SALARING NAGKASALA Sa Labintatlong Maniobra sa Larangan ng Pakikipagsapalaran [Pagsubok sa Paglikha ng Post-Konseptuwal na Diskurso]  [Sinangla, binalasa't nilustay bago umagpang ang salarin ng wika sa paglinlang at pagdispalko sa kasaysayan, ayon sa tagubilin ni Felix Razon:"Ilang hagkis o pukol ng dais ay hindi makawawalis sa istratehiya ng pagbabakasakali....”] ni E. SAN JUAN, Jr. _____________________________________________________________ PAUNAWA TUNGKOL SA KONSEPTUWAL NA SINING/PANITIKANG                 POST-KONSEPTUWAL     Simula pa noong kilusang avantgarde ng suryalismo, Dada, konstruktibismo, Fluxus, Oulipop ng nakalipas na siglo--mababanggit sina  Duchamp, Beckett, Gertrude Stein, Joyce, Brecht, John Cage, atbp.--ang pagyari ng anti-ekspresibong akda ay di na bagong balita. Nawasak na ang lumang kategorya ng genre at dekorum sa estilo, pati na rin ang kaibahan ng mg...

SINALANG SALAWIKAIN--E. San Juan, Jr.

Image
SINALANG SALAWIKAIN NG SALARIN NA NAGKASALA   Sa Labintatlong Maniobra sa Larangan ng Pakikipagsapalaran   (Unang Borador)  [Sinangla, binalasa't nilustay bago umagpang ang salarin ng wika sa paglinlang at pagdispalko sa kasaysayan, ayon sa tagubilin ni Felix Razon:"Ilang hagkis o pukol ng dais ay hindi makawawalis sa istratehiya ng pagbabakasakali....”] ni E. SAN JUAN, Jr. ___________________________________________________________________ LARO 1 Ang kapalaran di mo man hanapin, dudulog     at lalapit kung talagang atin Nasa kaluluwa ang awa, nasa katawan ang gawa Taong di makuhang sumangguni, may dunong ma'y namamali Ang lubid ay nalalagot kung saang dako marupok Sa kapipili-kapipili, katagpu-tagpo ay bungi Anumang iyong gawin, makapito mong isipin Isa man at sampak, daig ang makaapat Anumang tibay ng piling abaka ay walang silbi kapag nag-iisa Mabigat ay gumagaan kung ating pinagtutulung-tulongan Ang mabuting gawa kahit walang bathala, kina...

PALAYAIN ANG MGA BABAENG BILANGGONG PULITIKAL!

Image
U.S. GLOBAL CAPITALISM'S HUMANITARIAN BLESSING : TORTURE OF WOMEN POLITICAL PRISONERS IN THE PHILIPPINES by E. SAN JUAN, Jr. Listed early this year by the UK ECONOMIST  as an upcoming Asian Tiger with 6-7% GDP growth, the Philippines (with half of its hundred million citizens subsisting on less than $2 a day) is more renowned as a haven of the terrorist Abu Sayyaf than for its minerals or its bountiful supply of advertized Filipina brides and maids for the world market.  A recent chic staging of Imelda Marcos' fabled extravagance in New York City may cover up the nightmare of the Marcos dictatorship (1972-1986) for the elite or the gore of the 2009 Ampatuan massacre. But the everyday reality of human misery and plotted killings cannot be eluded. Dan Brown featured Manila as the "gate of hell" in his novel Inferno. Are we in for a super-Halloween treat? What often pops up between the cracks of commodified trivia are the detritus and stigmata of U.S. intervention i...

BAGONG LIBRO NG MGA TULA ni E.SAN JUAN, Jr. --ULIKBA

Image
UST PUBLISHING HOUSE RELEASES E. SAN JUAN'S NEWEST COLLECTION OF POEMS, ULIKBA BAGONG LIMBAG NA LIBRO NI E. SAN JUAN, Jr., ULIKBA AT IBA PANG TULA, LATHALA NG U.S.T. PUBLISHING HOUSE     Inilunsad nitong Hunyo ang librong ULIKBA at iba pang tula, kalipunan ng mga bagong tula ni E. SAN JUAN, Jr., kilalang kritiko at intelektwal sa larangang internasyonal. Sanhi sa lubog sa kolonyalismong delubyo ang arkipelago, wala sigurong may interes sa pangyayaring ito sa harap ng pagkahumaling sa komodipikadong TV, pelikula, komersiyo, party ng mga selebriti at politiko, at kriminal na aktibidad sa goberyno, pulis, militar, atbp.     Si San Juan ay dating propesor sa English & Comparative Literature, Unibersidad ng Pilipinas; kasalukuyang emeritus propesor sa English, Comparative Literature & Ethnic Studies, Washington State University at University of Connecticut. Dating fellow ng W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University, siya ngayon ay fellow ng Harry Ra...

SAGRADONG LUPA NG IMPERYALISMO, PASISMONG RASISTA SA U.S.A.--ni E. San Juan, Jr.

Image
LUPA, DUGO, PETISISMO NG KATAWAN AT MISTIPIKASYON NG DAH AS Katakataka o kamangha-mangha? Sa teknokratikong planeta natin, hindi lamang produktong itinitinda sa Mall o ipinagbibili ang naghahari kundi pribadong lugar/lupa/espasyo, depende sa lakas/dahas ng awtoridad ng Estado, militar, may-ari o managerial power elite ng Kapital Pampinansiyal (finance capital). Ito ang egemonya sa yugtong ito ng kasaysayan buhat nang maglaho ang alternatibong Sosyalista. Saan ba may mabisang oposisyon sa Kapitalismong Global--Cuba? Venezuela? Sub-Comandante Marcos?  Kaya ang kinalalagyan ng katawan mo ay wala sa iyong pagpapasiya o kontrol, nasa Estado o pribadong yaman/kapital, kung saan pansamantalang nakahimpil ang katawan. Tungkol sa kaluluwa (?), samut-saring kuwento na iyon. Sa ganang awtor, ang alternatibo ni Spinoza, deus sive natura (o ang bersiyno nito sa TAO TE CHING) ay wala pa ring negasyon. Bagama't naiburol na raw ang bangkay ni Tamerlan Tsarnaev sa isang lihim na...
Image
PAGBUBULAY-BULAY  NG ISANG GURONG OFW SA BANSANG HAPON ni E. San Juan, Jr. Ilan taon na akong nagtuturo ng wikang Filipino dito sa Hapon     ngunit di ko pa kabisado ang pagyuko sa mga upisyal            o hiwaga ng kanji  hiragana o katakana Nais kong matuto ang mga Haponesa ng paggamit ng "kamusta" "paalam"      "maganda"     "pag-ibig"  "luwalhati"   "panaginip"          kaya tinuruan ko rin sila ng tinikling   itik-itik   singkil Subalit nahumaling sa pagsayaw, indayog ng kilos at wagayway ng panyo            ngiti rito't tawa doon, nasaan ang tunggalian ng uri?                                   nahan ang dahas ng pasismo't imperyal...

Rebyu ni R.C. ASA ng AFTER POSTCOLONIALISM ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
Lampas, Higit sa Postkolonyal R.C. Asa rebyu ng E. San Juan, Jr. After Postcolonialism. Remapping Philippines-United States Confrontations. Lanham, Maryland: Rowman & Littlefield Publishers, Inc., 2000. Against Counterrevolution in Theory. Ito marahil ang alternatibong pamagat ng After Postcolonialism, huli sa maraming libro ni E. San Juan, Jr., kilalang marxistang intelektwal. Binubuo ng walong sanaysay at isang panayam, interbensyon ang After Postcolonialism sa “teorya” – itong postmodernong larangan ng pagsasama at pagtatalaban ng iba’t ibang disiplina. Maraming paksa rito si San Juan: ang paglikas ng mga Asyano tungong Amerika, ang imperyalismong Estados Unidos sa bansa, mga teksto nina Jessica Hagedorn at Kidlat Tahimik, ang talinhaga hinggil sa lipunan ng panitikan sa bansa, at maging ang hinaharap ng pakikibaka para sa kalayaan, demokrasya, at sosyalismo sa Pilipinas. Makabuluhan kung gayon sa maraming disiplina ang librong ito. Sa bawat larangan, kinikilala at kinakalaban...

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

Image
PAGSUBOK SA ISANG  MAPAGPALAYANG  PAGKILALA'T   PAGTAYA  SA SINING  NI   JOSE CORAZON DE JESUS ni E. SAN JUAN, Jr. Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop, / tubo ko’y dakila sa puhunang pagod….” --Francisco Baltazar, “Kay Selya” Only through the objectively unfolded richness of man’s essential being is the richness of subjective human sensibility either cultivated or brought into being…. The forming of the five senses is a labor of the entire history of the world down to the present. --Karl Marx, Economic and Philosophic Manuscripts of 1844 Dalawang bagay ang bumigo sa akin nang napakalaki: Ang paglipad ko sa Hongkong at ang paglagpak ko sa pulitika. --Jose Corazon de Jesus, “Talambuhay ng kanyang sarili”     Dahil sa masidhing pagkagumon ng marami sa komersyalisadong aliwan--telenobela, pelikulang tatak-Hollywood, malling, kulto nina Bieber at iba pang dayuhang selebriti sa awitan at isports---pambihira na ang bumabasa o may in...