Posts

Showing posts from March 25, 2012

ULTIMATUM NG ULIKBA

Image
PAUBAYA SA ULIKBA Nag-uulik-ulik pa sa larong paghuli sa Adarna Habang dinuro ng udyok ng balahibong gayuma Hibong pumukaw sa ubod-usbong ng kaluluwa Tumakas ang sutlang bagwis, umaalimbukay Ulilang lumipad sa kasukdulang aliw ng ulirat Tumakas at nagkubli sa ulbong hinabi’t Hinubog sa pugad ng duguang matris ng guniguni— Sa ugnayang magdamag, umaalingawngaw ang pakpak Kung saan umuukilkil ang uha ng sanggol Tuksong umugit sa panimdim at umulos sa budhi Ulinigin ang pagaspas ng sutlang bagwis, umaarangkada-- Habang nagtatalik ang buwan at araw sa nagluksang balat-kayo— Nabulabog sa hibong ugong ng uyaying tukso Ungol ungal ng inang nabuntis sa pag-uulik-ulik Karamay magdamag, naghunos sa ulbong kinamulatan— Sino’ng huhuli sa libog ng diwang pumaimbulog? Usigin ang hiwagang lulan ng gumiring takipsilim-- Urong-uod sa dahas ng utak ang makatang ulol Nasilo ng gayumang umigkas sa duguang taring Hulog ang kaliskis ng hayop panaginip ang umaga. --E. SAN JUAN,