MASAKER SA MENDIOLA--tula ni E. San Juan, Jr.

MENDIOLA MASAKER: Labintatlong Katawang Bumabangon --ni E. SAN JUAN, Jr. LEOPOLDO ALONZO [22 Enero 1987: demonstrasyon ng mahigit 20,000 pesante't manggagawa sa harap ng Malakanyang] Ang kaisipan ay tandisang pagtutol sa kung anong katalahagan ang nakatambad sa harap natin... Lupang makulimlim di maabot-tanaw ADELFA ARIBE [13 ang napatay, 105 ang nasugatan, nang paputukan sila ng pulis at militar ng rehimeng Cory Aquino] Ang malalim na pagkabatid ay sumisibol sa pagpapakilala na ang mga nangyayari o mga nadarama ay tumataliwas sa mga ideang ipinapataw ng rason o katuwiran. Unti-unting nagkakahugis labintatlong aninong naglalagalag DANILO ARJONA [Wala kahit isa sa mga pumatay ang inaresto't ipiniit, o nilitis sa hukuman] Magsimula tayo sa pagsalungat sa mga nangyayari, sa katalagahan. Saksi sa pinaslang ay walumpung mamamayang s...