PARA KANINO TUMUTUGTOG BONG BONG BONG
 
     BONG BONG  BONG —  PARA KANINO — BONG  BONG —TUMUTUGTOG?       [Pagmumuni-muni ng isang matandang magulang]     ni E. San Juan, Jr.       Ewan ko’t nalimutan ko na’ng 50,000 libong mamamayang inaresto simula    ideklara ang martial law   Ewan ko’t nalimutan ko ang baho’t nakasusukang selda sa Fort Bonifacio   Ewan ko ba’t nalimutan ko ang bagsik ni Lt. Arturo Castillo ng Constabulary Anti-   Narcotic Unit nang dakpin si Liliosa Hilao, edad 21 anos, noong April 1973   Binugbog ginahasa’t pinatay si Liliosa—Ay, ewan namin, sabi ng militar kina Alice   at Josefina Hilao     Hindi ko na maalala na inabuso rin ang magkapatid Amaryllis at Josefina      Hindi ko maalala kung si Santiago Arce, Katolikong lider ng magsasaka sa    Abra, ay kasangkot sa NPA—iyon ang bintang   Hindi ko maalala kung apat na araw siyang tinortyur bago barilin noong 7    Setyembre 1974   Sumigaw at tumiling nakatutulig habang kinukulata ang mukha’t katawan     Wala akong gunita sa paghuli...