Posts

Showing posts from April 3, 2011

BIYAYA NG TAGAPAGLIGTAS

Image
BIYAYA NG TAGAPAGLIGTAS -- E. San Juan, Jr. 1. Unti-unti umaambon dumagit ang naglambiting ulap sa panimdim Patak-patak napigtal ang pangakong nahulog sa matris ng lupa Naligaw ang umaasong tala sa takip-silim ng pangarap Dahan-dahan ang pakpak ng guni-guni’y lumilim humimlay sa iyong bisig Bumalisbis dumaluyong ang babaeng kagila-gilalas— Sumasaiyo sumasaatin ang kanyang pusong umiigkas— Umaapaw ang ligayang biyaya ng tagapagligtas— 2. Umuulan nang ikaw’y umalis, nakisilong sa mutyang humarap sa panganib Umaapaw ang batis, lumalagos sa pader ng tadhanang walang mukha Nagpasiya ka, bulong mo’y dasal na tumalab sa kilabot at hilahil Unti-unti humupa ang antak ng pagsusumamo, kamao’y bumuka’t bumigay Bumalisbis dumaluyong ang babaeng kagila-gilalas— Sumasaiyo sumasaatin ang kanyang pusong umiigkas— Umaapaw ang ligayang biyaya ng tagapagligtas— 3. Dahan-dahang tumikom ang labing bumigkas ng pagbati sa nagtanang panaginip Tigil n