Posts

Showing posts from July 15, 2018

PAYO SA MGA ANARKISTA. ni E. San Juan, Jr.

Image
ASIGNATURA PARA SA MGA ANARKISTA (Hinangong ambil mula kay Yoko Ono) A. Gupit-gupitin ang lahat ng inilimbag na kopya ng mga pasyon nina Gaspar Aquino de Belen, Luis Guian, Mariano Pilapil at Aniceto de la Merced, pati na ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro. A1, Ipamudmod ang pira-pirasong labi sa lahat ng mabahong estero ng Metro Maynila at kanugnog na pook. B. Punitin at gulanitin ang Parnasong Tagalog ni Alejandro Abadilla, pati mga aklat ng mga tula nina Jose Garcia Villa & mga premyadong/lawreyadong mambeberso sa Ingles. B1. Ikalat iyon sa bukana ng Mall of Asia, SM, Trinoma, Ultra Mall, Market Market, at ilan pang pamilihan sa Reina Regente, Binondo & Dibisorya. C. Tipunin lahat ng librong nagkukunwaring siyang pinakamabuting balarila o gramatika ng wika, pati lahat ng mga arte poetika mula sa Vocabulario nina Noceda at Sanlucar hanggang mga turo nina Lope K Santos at Julian Cruz Balmaseda, pati na lahat ng tulang may tugma't sukat ayo