Posts

Showing posts from October 5, 2008

ALAY SA PAGLIKHA NG BUKANG-LIWAYWAY (KUMPLETONG LIBRO)

Image
ALAY SA PAGLIKHA NG BUKANG-LIWAYWAY KALIPUNAN NG MGA TULA (1960-1999) ni E. SAN JUAN, Jr. Ars Poetica Sapagkat hindi ako makapagpigil sa tukso ng iyong katawan wala nang salitang may bisa pang makahadlang Disyembre 1998/Enero 1999 Larong Sumasagisag sa Kung Ano Kumukulong asero sa pagitan ng iyong mga hita ang sindak ng kaisipang mamatay ikaw habang ako’y patuloy na nakalublob sa putik ng ordinaryong pantasya. Nabuntis ang guniguni sa paghahangad, pagnanais, paghingi— Kabalintunaang sumabog sa lamig ng marmol ng sining. Magdudulot ba ng lason ng inmortalidad ang dila mo? Lusawin mo ang pilak ng paradoha ni Zeno: palasong nabitiwa’y walang indak ni galaw— Tunawin mo ang gintong ngiping ninakaw ng mga ibong mandaragit sa sementeryo at patuluin ang dagta sa singit ng alaalang naging bakal. Marso 1998 Ayon Kay D.J. Alvaro Gusto raw niya ng lalaking medyo bastos, “maginoo pero bas