Posts

Showing posts from May 23, 2010

ARMADONG DIWATA

Image
DIWATANG MANDIRIGMA -- ni E. San Juan, Jr. 1. Malik-mata? Gayuma ng pangako’t pag-asa? Alaala ng naglahong aliw nasasabik Mahal ko, saang likong landas ka naghihintay? Nang tayo’y maghiwalay, napigtal sa panimdim Ang ‘yong kaluluwang nagsandata’t nakilahok Sa bibig mo’y di pahimakas kundi pagbati Lumusong sa luha’t hapis lambong ng ligalig Sa ‘yong mata’y liwanag at dilim, umuusok Ang apoy ng panaginip hamon sa tadhana. 2. Bagwis ng diwatang lumipad, pumailanlang Mula sa lagim ng lungsod lumapag sumugod Binalangkas ang dagat bundok nasa’y lumaya Patnubay ang gunitang tiniis isinumpa-- Mahal, saang mahiwagang gubat ka naglamay? Kaulayaw ang masang dumamay lumiligtas Nagliliyab ang lansangan nang ikaw’y lumisan— Saang gilid ng bangin magkikita muli? Humagip ang bagwis ng pangarap pumalaot 3. Mabighaning paraluman, saan ka naglakbay? Sa balintataw ng guniguni kumikislap Alingawngaw ng batis ang bati ng diwata Dukha’t api’y nag-akay sa magayumang gubat Sa bingit