Posts

Showing posts from November 2, 2008

ELEHIYA MULA SA LEUVEN-#2 of BALIKBAYANG SINTA

Image

HANDOG SA ISANG AKTIBISTA

Image
HARANANG HANDOG SA ISANG AKTIBISTA, HINAHAMON ANG TADHANA ni E. SAN JUAN, Jr. Pambihira ka Matatag matingkad mabagsik ang luntiang apoy sa iyong mga mata Habang dumarampi ang hamog ng umaga Sa iyong pisnging hinog sa pangarap ng dinukot at ibinilanggong kinabukasan— Nagliliyab ang iyong tapang, nakapapaso ang dingas ng iyong determinasyon— Nabighani sa alindog ng iyong dangal habang lugmok sa panaginip Nangahas ang kaluluwang lumantad madarang, nahimok ng kung anong bagwis Ng tukso sa bulong ng iyong labi’t galaw, tuloy naligaw sa paglalakbay— Walang sindak mong binalangkas ang ordeng mapanganib at binungkal ang landas Namumukod sa madla, buntalang motor/dynamo ng bukang-liwayway…. Kahit sumabog ang pulbura sa mundong binagtas ng iyong budhi, wala kang takot Hawak ang sulo ng katarungan, sumusugod ka-- Siklab ng huling paghuhukom, O armadong anghel-- Bumabangon sa iyong bisig at kamao ang mga biktima ng imperyalismo Upang bawat nilalang ay magkaroon ng pambihirang