Posts

Showing posts from March 30, 2008

KAILANGAN LAMANG, IDUGTONG AT PAGKABITIN

Image
KAILANGAN LAMANG, IDUGTONG AT PAGKABITIN ANG MGA AKSIDENTE “Only connect….” --E.M. Forster, A Passage to India --E. SAN JUAN, Jr. ….Di na umasa sa pirasong ass ni Britney Spears “sneaking into the Philippines” tuluyang sumabak ang katawan sa rali ng GABRIELA mula Rotunda hanggang Plaza Miranda-- Nasulyapan kita Walang babala’y sinagi pinadaplisan mo lamang…. Ay, titi ng Ama, salbakutang kabuktutan ng rehimeng Arroyo! Paano maibubuo ang body politic mula sa pira-pirasong lamang ikinalat sa buong daigdig? Samantala, sentensiyado na si William Corpuz, Pinoy sa California, USA-- nilaslas niya ang lalamunan ng asawa, nilaslas ng walang premeditasyon-- Nagprotesta ang mga Pinay, pati si Eve Ensler ng “Usaping Puk….” Salbakutang seksismo ba ang dahilan? O situwasyon ng OFW sa buong daigdig? Nangyari ito sa “land of milk and honey”--Ay, titi ng American Idols at Lea Salonga! Saksi tayo sa krimeng extrajudicial killings, salvaging, terorismo ng Estadong