Posts

Showing posts from July 25, 2010

PAHIWATIG NG ARMADONG PARALUMAN--E. San Juan, Jr.

Image
PAHIWATIG NG ARMADONG PARALUMAN I. Mahal, Nagliliyab ang lansangan ng Islang Puting Bato nang ikaw’y lumisan Sa iyong balintataw nagtalik ang liwanag at dilim Nagtipan ang luha’t ngiti sa hanggahan ng pangako’t alaala Saang likong landas tayo naghiwalay, nakipagsapalaran? Pumalaot ka sa lagim ng lungsod, napigtal sa diwa’t nakintal sa dibdib Patnubay ang masang kumalinga, sabik sa paglaya’y naglakbay Bagwis sa budhi’y pumailanlang sa madugong larangan Sa gilid ng bangin naglamay, sa gubat ng gunita naghintay sa tukso ng mapagkandiling bituin. KORO: Sa bawat pintig ng iyong kaluluwa, sa bawat himaymay Nagpupumiglas ang sinag ng kinabukasan— Luningning ng pag-asa, halimuyak at alindog ng panaginip ng armadong diwatang kusang naghandog, kumalas, nagligtas— II. Mahal, Nilambungan ng usok at apoy ang gayuma ng iyong pilik-mata Humagip ang bagwis ng guniguning lumipad lumapag Lumusong ka’t tinahak ang tulay sa nilunggating ligaya Sa dusa’t aliw ng busabos, binalangk