Posts

Showing posts from December 16, 2007

Jouissance / Libog

Image
JOUISSANCE / LIBOG / METAMORPOSIS AT TRANSPORMASYON NG PROLETARYONG ERO S Wala, walang iba pang kailangan Pagkatao ng hayup Nulla Desideratum Ako’t ikaw tayo’y isang diwa kambal na budhing biniyak at inihiwalay Walang anino o katawan Hermaproditikong kaisahan Monolitikong identidad Bago pa humarap sa salamin Bago pa mag-huramentado ang Oedipus sa kamalayan Sa lilim ng biyayang ibinuga ng buwang salamangkero’t salawahan Anong timyas anong tuwa anong sarap ang pag-ibig na walang kaakuhan Sa makinang gumagaralgal sa pagliko sumisikad sa matris ng babaeng pintakasi Nasa pusod nasa vulvang busog pumuputok ang TNT at lahar ng ligaya Anong sukdulang tamis ang dahas ng nakabalat-kayong berdugo ng babaylan Hubad sa gayuma ng ginto’t pilak--tamod dura’t droga ng konkistador Tayo’y sinakop nilinlang Paraiso’y nilaslas sa lalamunan ng panaginip Ibinartolina tayo sa barbarikong lohika ng salapi at kamandag ng kapital Ngunit kahit ipinaghiwalay ng nagb