Posts

Showing posts from April 1, 2007

TAG-SIBOL SA DEN HAAG, NEDERLAND, 25 Marso 2007

Image
TAG-SIBOL SA DEN HAAG, NEDERLAND, 25 Marso 2007 [Handog kay CPA] Mula sa bubong ng simbahang Christus Triumfator sumungaw ang araw at sa Pax Christi sumikat ang balintataw ng hatol: "Guilty!" ang rehimeng U.S.-Arroyo--deklara ng Permanent People's Tribunal-- Mainit na ang hipo ng amihan sa iyong pisngi, Alegria.... Nagtatangka nang bumuka ang buko ng mga bulaklak sa pintuan ng Hotel Van Der Valk de Bijhorst Subalit sina Ka Beltran at ilandaang kasama sa Tagaytay at Muntinlupa ay nakabilanggo pa rin Patuloy pa rin ang pamamaslang at pambubusabos Patuloy pa rin, sa kabila ng pagtutol, ang paglaganap ng dilim Dito sa maaliwalas na lansangan ng Den Haag, walang dagundong ng motorsiklo, walang mga taong naka-bonet Walang baril na nakaumang sa pagitan ng mga hita ng dafodil Ngunit bakit h