Posts

BAGONG LIBRO NG MGA TULA ni E.SAN JUAN, Jr. --ULIKBA

Image
UST PUBLISHING HOUSE RELEASES E. SAN JUAN'S NEWEST COLLECTION OF POEMS, ULIKBA BAGONG LIMBAG NA LIBRO NI E. SAN JUAN, Jr., ULIKBA AT IBA PANG TULA, LATHALA NG U.S.T. PUBLISHING HOUSE     Inilunsad nitong Hunyo ang librong ULIKBA at iba pang tula, kalipunan ng mga bagong tula ni E. SAN JUAN, Jr., kilalang kritiko at intelektwal sa larangang internasyonal. Sanhi sa lubog sa kolonyalismong delubyo ang arkipelago, wala sigurong may interes sa pangyayaring ito sa harap ng pagkahumaling sa komodipikadong TV, pelikula, komersiyo, party ng mga selebriti at politiko, at kriminal na aktibidad sa goberyno, pulis, militar, atbp.     Si San Juan ay dating propesor sa English & Comparative Literature, Unibersidad ng Pilipinas; kasalukuyang emeritus propesor sa English, Comparative Literature & Ethnic Studies, Washington State University at University of Connecticut. Dating fellow ng W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University, siya ngayon ay fellow ng Harry Ra...

SAGRADONG LUPA NG IMPERYALISMO, PASISMONG RASISTA SA U.S.A.--ni E. San Juan, Jr.

Image
LUPA, DUGO, PETISISMO NG KATAWAN AT MISTIPIKASYON NG DAH AS Katakataka o kamangha-mangha? Sa teknokratikong planeta natin, hindi lamang produktong itinitinda sa Mall o ipinagbibili ang naghahari kundi pribadong lugar/lupa/espasyo, depende sa lakas/dahas ng awtoridad ng Estado, militar, may-ari o managerial power elite ng Kapital Pampinansiyal (finance capital). Ito ang egemonya sa yugtong ito ng kasaysayan buhat nang maglaho ang alternatibong Sosyalista. Saan ba may mabisang oposisyon sa Kapitalismong Global--Cuba? Venezuela? Sub-Comandante Marcos?  Kaya ang kinalalagyan ng katawan mo ay wala sa iyong pagpapasiya o kontrol, nasa Estado o pribadong yaman/kapital, kung saan pansamantalang nakahimpil ang katawan. Tungkol sa kaluluwa (?), samut-saring kuwento na iyon. Sa ganang awtor, ang alternatibo ni Spinoza, deus sive natura (o ang bersiyno nito sa TAO TE CHING) ay wala pa ring negasyon. Bagama't naiburol na raw ang bangkay ni Tamerlan Tsarnaev sa isang lihim na...
Image
PAGBUBULAY-BULAY  NG ISANG GURONG OFW SA BANSANG HAPON ni E. San Juan, Jr. Ilan taon na akong nagtuturo ng wikang Filipino dito sa Hapon     ngunit di ko pa kabisado ang pagyuko sa mga upisyal            o hiwaga ng kanji  hiragana o katakana Nais kong matuto ang mga Haponesa ng paggamit ng "kamusta" "paalam"      "maganda"     "pag-ibig"  "luwalhati"   "panaginip"          kaya tinuruan ko rin sila ng tinikling   itik-itik   singkil Subalit nahumaling sa pagsayaw, indayog ng kilos at wagayway ng panyo            ngiti rito't tawa doon, nasaan ang tunggalian ng uri?                                   nahan ang dahas ng pasismo't imperyal...

Rebyu ni R.C. ASA ng AFTER POSTCOLONIALISM ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
Lampas, Higit sa Postkolonyal R.C. Asa rebyu ng E. San Juan, Jr. After Postcolonialism. Remapping Philippines-United States Confrontations. Lanham, Maryland: Rowman & Littlefield Publishers, Inc., 2000. Against Counterrevolution in Theory. Ito marahil ang alternatibong pamagat ng After Postcolonialism, huli sa maraming libro ni E. San Juan, Jr., kilalang marxistang intelektwal. Binubuo ng walong sanaysay at isang panayam, interbensyon ang After Postcolonialism sa “teorya” – itong postmodernong larangan ng pagsasama at pagtatalaban ng iba’t ibang disiplina. Maraming paksa rito si San Juan: ang paglikas ng mga Asyano tungong Amerika, ang imperyalismong Estados Unidos sa bansa, mga teksto nina Jessica Hagedorn at Kidlat Tahimik, ang talinhaga hinggil sa lipunan ng panitikan sa bansa, at maging ang hinaharap ng pakikibaka para sa kalayaan, demokrasya, at sosyalismo sa Pilipinas. Makabuluhan kung gayon sa maraming disiplina ang librong ito. Sa bawat larangan, kinikilala at kinakalaban...

JOSE CORAZON DE JESUS--ANG SINING NI HUSENG BATUTE--E. SAN JUAN, Jr.

Image
PAGSUBOK SA ISANG  MAPAGPALAYANG  PAGKILALA'T   PAGTAYA  SA SINING  NI   JOSE CORAZON DE JESUS ni E. SAN JUAN, Jr. Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop, / tubo ko’y dakila sa puhunang pagod….” --Francisco Baltazar, “Kay Selya” Only through the objectively unfolded richness of man’s essential being is the richness of subjective human sensibility either cultivated or brought into being…. The forming of the five senses is a labor of the entire history of the world down to the present. --Karl Marx, Economic and Philosophic Manuscripts of 1844 Dalawang bagay ang bumigo sa akin nang napakalaki: Ang paglipad ko sa Hongkong at ang paglagpak ko sa pulitika. --Jose Corazon de Jesus, “Talambuhay ng kanyang sarili”     Dahil sa masidhing pagkagumon ng marami sa komersyalisadong aliwan--telenobela, pelikulang tatak-Hollywood, malling, kulto nina Bieber at iba pang dayuhang selebriti sa awitan at isports---pambihira na ang bumabasa o may in...