Posts

PAGSUBOK SA PAKIKIRAMAY

Image
PAGSUBOK  SA PAKIKIRAMAY SA BAWAT NILIKHA Sa unang bugso ng pagsuway   namangha’t nagtaka Kahit biglang lumihis,  bumangga pa rin May biktimang humiyaw ngunit walang saklolo Di akalaing magtatagpo ang daang magkaagapay Bagamat nagbabaka-sakali, naaksidente pa rin pagliko Di natin tahanan ang lungsod kaya tahan na Sa sindak nabunggo ang katunayang di sinasadya Kaya alisin mo na ang sutlang saplot sa ‘yong mukha Sa natuklasang daan  humiwalay ang kaakbay Walang anghel ang magbubunyag ng kasalanang lihim Pagtawid    batiin ang kaluluwang kapusta sa sugal Sa gitna ng lansangan   totoo bang nagsinungaling ka? Nag-aabang pagliko ang kilabot ng mukha mo sa salamin Ngunit libog lamang ‘yon ng guniguning nakipagsapalaran. --E. SAN JUAN, Jr.
Image
PAGNINILAY SA HARDIN NG BAHAY NI ISIS, QUEZON CITY  Habang nilalasap ang linamnam ng buko sa pananghalian Malasin ang ganda ng harding ito, mabango, maaliwalas; Malayo sa Gethsemane ang groto ng Birhen sa sulok Binabantayan ng mahinhing anghel, isang bulong ng amihan, Lingid sa ingay at alibadbaran sa City Hall at telebisyon…. Mula sa bintana’y silip ko ang mayuming nimpang nakaluhod Sumasalok ng tubig sa sapa—para kaninong uhaw? Magayumang tagpo ito, walang daing, himutok o hiyawan…..  Walang alitan. Tahimik. Halimuyak ng banal na kalikasan Ang malalanghap, walang tayo o kami—atin lahat, walang nagmamay-ari…. Walang etsapwera, salimpusa, maluwag ang lunan kahit upahan— Lagos-lagusan, tiwasay, naksuksok ang tabak ng anghel sa tagiliran.  Ngunit sa dapit-hapon, alingawngaw ng trapik ang sumampa sa bakod-- Nasulyapan ko rin ang ngiti sa labi ng labanderang nagwawalis-- Sa bukana ng tarangkahan, nasagap sa utusan ang balita ng masaker Sa Mindanao, ginahasang bikti...

PARANGAL KAY CHERITH DAYRIT-GARCIA, KA LEONY

Image
PANAMBITAN / ELEHIYA ni E. SAN JUAN, Jr. __________________________ (In Memoriam: Maria Theresa “Cherith” Dayrit-Garcia (1957-2000) Nakahimpil kami noon pansamantala kina Helen nang mabalitaang nangyari nga— ang dating ng balita'y pagkagulat sandaling sumalisi ang di pagkapaniwala sumapot ang lagim at bigat ng panghihinayang.... Nabuwal ka noong 16 Hulyo 2000 sa sitio Bagis, baryo Napoleong, Isabela-- di katulad dito sa hardin ng Root Glen, dating lupaing inaruga ng tribung Oneida, doo'y tiyak na masukal madawag hitik sa anumang maaaring tumubo sagana sa araw hayup ganda--kahit ano'y mabubuhay doon sa gubat-- Ngunit bawat kurba ng landas dito'y nagpapagunita ng iyong pagkamatay.... Mariing bira tila matinding sampal Kumikirot pa rin hanggang ngayon Di matiis hanggang utak ay namanhid Sa burol mo'y nagpugay ang madla maraming kasama mula sa Macliing at iba't ibang dako ng kapuluan Taos-pusong paran...

ULTIMATUM NG ULIKBA

Image
PAUBAYA SA ULIKBA Nag-uulik-ulik pa sa larong paghuli sa Adarna Habang dinuro ng udyok ng balahibong gayuma Hibong pumukaw sa ubod-usbong ng kaluluwa Tumakas ang sutlang bagwis, umaalimbukay Ulilang lumipad sa kasukdulang aliw ng ulirat Tumakas at nagkubli sa ulbong hinabi’t Hinubog sa pugad ng duguang matris ng guniguni— Sa ugnayang magdamag, umaalingawngaw ang pakpak Kung saan umuukilkil ang uha ng sanggol Tuksong umugit sa panimdim at umulos sa budhi Ulinigin ang pagaspas ng sutlang bagwis, umaarangkada-- Habang nagtatalik ang buwan at araw sa nagluksang balat-kayo— Nabulabog sa hibong ugong ng uyaying tukso Ungol ungal ng inang nabuntis sa pag-uulik-ulik Karamay magdamag, naghunos sa ulbong kinamulatan— Sino’ng huhuli sa libog ng diwang pumaimbulog? Usigin ang hiwagang lulan ng gumiring takipsilim-- Urong-uod sa dahas ng utak ang makatang ulol Nasilo ng gayumang umigkas sa duguang taring Hulog ang kaliskis ng hayop panaginip ang umaga. --E. SAN JUAN, Jr.

PARABULA NG PAKIKIBAKA ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
PARABULA NG PAKIKIBAKA Ni E. SAN JUAN, Jr. Sa bunto't ng barikada nagtago tayo't kumalas... Maalikabok sa lansangang tinahak at tinalunton— (Sariwa pa ang gunita ko hanggang ngayon) Sino'ng humahabol sa atin? Nakadikit ang kaluluwa't laman, kinulapulan ng libag at pawis at usok ng Molotov cocktail at tear gas... Walang tubig sa bato walang awa ang isinumpang lugar na ito---walang pakialam o panghihimasok... Ahas na gumagapang sa bitak... May bukal kaya sa singit ng mga bato? Lagaslas ng bukal huni ng ibon sa sangang nakalupaypay Sino'ng sumusunod sa atin? Dinig mo ba ang yabag? Nagtatakbo tayo palayo sa panganib, palayo sa kilabot Umurong sa madlang humugos sa Plaza, umatras ngunit lumingon sa magkabila, maingat... Di ba ikaw at ako lamang ang tumakas, walang iba pa, ngunit sino 'yang humahangos sa tabi mo? Anong hayup ang gumagapang sa bitak? Hindi patak ng ulan o kaluskos ng bayawak sa muhon Hindi lagaslas ng batis o awit ng talahi...

SEMIOTIKA NI CHARLES SANDERS PEIRCE--Lektura ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
KAHULUGAN, KATOTOHANAN, KATWIRAN: PAGPAPAKILALA SA SEMIOTIKA NI CHARLES SANDERS PEIRCE Panayam ni E. San Juan, Jr. Tanyag sa buong mundo si Charles Sanders Peirce, Amerikanong dalubhasa sa pilosopiya’t agham (1839-1914), bilang imbentor ng “pragmatismo,” isang metodong sumisiyasat sa proseso ng pagpapakahulugan. Bagamat pantas sa maraming agham, hindi siya nabigyan ng permanenteng posisyon sa akademya dahil sa labag-sa-kumbensiyonal na pamumuhay. Liban na sa maliit na pulutong ng mga kolega tulad nina William James at Josiah Royce, halos walang kumilala sa kanyang galing at dunong noong siya’y buhay. Ngayon na lamang tanggap na siya marahil ang pinakaimportanteng pilosopong nabuhay sa Amerika. Malaki ang impluwensiya niya sa mga modernistang paham tulad nina Bertrand Russell at Ludwig Wittgenstein, bukod sa makatas na ambag sa malawak na larangan ng lohika, astrophysics, lingguwistika at semiotika. Halos di nababanggit sa talambuhay ang progresibong paninindigang pampulitika ni Peirce...

PAMBUNGAD NA PAG-AARAL SA SEMIOTIKA NI CHARLES SANDERS PEIRCE--E. SAN JUAN, Jr.

Image
undefined

Introduksiyon sa SIBOL SA MGA GUHO, nobela ni AVE PEREZ JACOB

Image
INTRODUKSIYON sa SIBOL SA MGA GUHO ni Ave Perez Jacob ni E. SAN JUAN, Jr. Sa umpisa pa lamang. maituturing ang nobelang ito na pamibihira at namumukod na akdang may layuning makatotohanan at mapagpalaya. Walang pasubaling tunay ang mga pangyayari inilarawan sa naratibo, ngunit mapapakawalan ba tayo ng realistikong estilo mula sa piitan ng mapagsamantalang lipunan? Sapat na ba ang masaksihan muli ng ating pandama ang nakaririmarim na tanawing ikinukubli ng komersiyalisadong midya, ng mga pinagtutubuang telenobela, pelikula, sining biswal sa bawat megamall? Ano ang ginawa ni Perseus sa harap ni Medusa? O ang Espinghe/Sphinx nang masagot ang kanyang bugtong? Gunitain natin ang aral na hinugot sa tradisyon: “Ang katotohanan ay magpapalaya sa iyo!” Sa arkibo ng mapanuring pamantayan, ang di-matatakasang kontradiksiyon ng realidad at kamalayan, katalagahan at imahinasyon, ay litaw at lubhang bumabagab pa rin. Ang usaping ito ang siya pa ring pinakatampok na paksa ng debate, isang temang ...

The U.S. War of Terror in the Philippines and the Moro People's Struggle for Liberation | Critical Analysis |Axisoflogic.com

The U.S. War of Terror in the Philippines and the Moro People's Struggle for Liberation | Critical Analysis |Axisoflogic.com

PANAHON AT LUGAR NG PAKIKISANGKOT

Image
PANAHON AT LUGAR NG PAKIKIBAKA: Makabagong Parabula ni E. SAN JUAN, Jr. Sa buntot ng barikada nagtago tayo’t kumalas…. Maalikabok sa lansangang tinahak at tinalunton— (Sariwa pa ang gunita ko hanggang ngayon) Sino’ng humahabol sa atin? Nakadikit ang kaluluwa’t laman, kinulapulan ng libag at pawis at usok ng Molotov cocktail at tear gas…. Walang tubig sa bato walang awa ang isinumpang lugar na ito---walang pakialam o panghihimasok…. Ahas na gumagapang sa bitak…. May bukal kaya sa singit ng mga bato? Lagaslas ng bukal huni ng ibon sa sangang nakalupaypay Sino’ng sumusunod sa atin? Dinig mo ba ang yabag? Nagtatakbo tayo palayo sa panganib, palayo sa kilabot Umurong sa madlang humugos sa Plaza, umatras ngunit lumingon sa magkabila, maingat…. Di ba ikaw at ako lamang ang tumakas, walang iba pa, ngunit sino ‘yang humahangos sa tabi mo? Anong hayup ang gumagapang sa bitak? Hindi patak ng ulan o kaluskos ng bayawak sa muhon Hindi lagaslas ng batis o awit ng talahib na sinusuklay n...

TRIBUTE TO ALEJANDRO G. ABADILLA, & A CRITIQUE--E. SAN JUAN, JR.

Image
MEMORABILIA & SIPAT SA SINING NI ALEJANDRO G. ABADILLA, MANLILIKHANG MAPANGHIMAGSIK ni E. SAN JUAN, Jr. Mahigit na apat na dekada na ang lumipas pagkamatay ni Alejandro G. Abadilla (AGA ang maikling pantukoy ko rito sa awtor) noong 26 Agosto 1969. Bukod sa pamilya, kaunti lamang ang nakiramay, bagamat pinarangalan siya ng “Cultural Heritage Award” noong 1966. Hindi siya “National Artist.” Walang makatawag-pansing libing ang nasaksihan noon. At bihira lamang, sa pagkaalam ko, ang nagtanghal ng pagdiriwang sa malaking kontribusyon niya sa ating kultura liban na sa puta-putaking pulong ng mga masugid na alagad ng makabagong panulaan sa MetroManila. Sa katunayan, sa milenyong ito ng Internet at globalisasyong neoliberal, maliban sa ilang akademiko, tiyak na wala pang 1% ng mahigit 99 milyong Pilipino ngayon ang may kabatiran tungkol sa buhay at panitik ni AGA. Bakit? Ang literatura ay kahuli-hulihang bagay na ipinapag-ukulan ng pansin ng sosyedad sibil at gobyerno sa tinaguriang “...