Posts

EXTRAJUDICIAL KILLINGS AND THE CRISIS OF THE ARROYO REGIME

Image
NEOCOLONIAL STATE TERRORISM AND THE CRISIS OF COMPRADOR/IMPERIALIST HEGEMONY By E. SAN JUAN, Jr. Philippines Cultural Studies Center Prodded by Amnesty International (AI), the Inter-Parliamentary Union, Asian Human Rights Commission, Reporters Without Borders, and other international organizations, President Gloria Macapagal-Arroyo recently cobbled a group to look into the allegations of massive human rights violations—over 729 victims of extrajudicial killings, and 180 involuntary “disappearances,” by the latest count—during her administration. The spokesman of the National Democratic Front Philippines (NDFP), Fidel Agcaoili (2006), quickly dismissed the move as a scheme to hide the regime’s complicity in Oplan Bantay Laya (OBL), the internal security program designed to wipe out the 37-years old insurgency in two years. Can the culprit indict and condemn herself? How can Arroyo acquit herself when this unprecedented “genocidal” campaign to suppress all dissent (as Agcaoili and othe...

BAGUIO CITY, PHILIPPINES: 3 KUHA NG KAMERA

Image
MONTAGE: TATLONG SNAPSHOT NG BAGUIO CITY --ni E. SAN JUAN, Jr. I. Umuulan noon lumulundong ungol ng tulirong panahon sa lungsod ng Baguio isang hapon ng Agosto 1986… Nanuot sa buto ang walang hunos-diling lamig tumalab sa bawat nagsalabid na himaymay, lumalagos…. Nirambolan ako ng ligalig, Sinta, ngunit ugong lang ng humihingal na yapos usok lang ng naupos na halik sapagkat wala ka sa piling ko… Ulang umigting ulang tumimo sa butong binabalot ng kutob ulang umaasar sa kirot at hiwa ng pagsisisi…. Hikbing nagpahibik--nasaan ako? Pumapayagpag hanggang napalaot sa bulubunduking tahanan ng mga anito sumusuray-suray, lulan ang inimbak na gunita-- kanino ilalaan? Naligaw sa nagkabuhol-buhol na lansangan ng kabihasnang plastik, dating teritoryo ng mga Igorot na sinakop ng imperyalismong mabagsik, doon hinagilap kita, Paraluman ng manlalayag, sa gubat ng ulan na unti-unting tumalunton ng landas… Sandaling nakalimot ...

PAGNINILAY SA HARAP NG LAWANG TSING HUA, HSINCHU, TAIWAN

Image
--Ni E. SAN JUAN, Jr Habang nakatunghay sa gilid ng lawang walang katinag-tinag “Laot ng dusa’t hinagpis” tumatawid ang anino ng paghihiwalay Balisang bumulabog sa luksang salamin ng pangungulila Umaandap-andap doon ang titis ng naglipanang alitaptap Umakyat ka na sa Sierra Madre kabalikat ng pulang mandirigma Kailan ka babalik? Naglalamay sa lambing ng panghihinayang Langitngit ng kawayan bulungan habang tiim ang labi sa magdamag Dumaragsang kutob kung sakaling magipit ka’t masawi Narito ako sa islang Taiwan ilang dagat ang agwat ng ating braso Sa apoy ng dapithapong naghihingalo sa pag-aantabay Bagamat nakalugmok pinapakiramdaman pilit inaaninaw Sa takipsilim ang napalaot na kislap ng mga bituing naligaw Sa magdamag umaandap-andap ang kirot ng hapdi ng paglisan Nangangarap ng umagang tayo’y muling magtatagpo Sasalubungin ko sa gunita ang apoy na tumirik sa iyong kilay Ang luningning na dumapo sa labi’t bumulong ng kinabukasan Titis ng bituing pumanaw ang pumaimbulog sa karimlan Haba...

AMADO V. HERNANDEZ

Image
Introducing AMADO V. HERNANDEZ By general consensus, Amado V. Hernandez (1903-1970) is the most serviceable Filipino revolutionary artist of the twentieth-century whose poetry, fiction, and plays in Filipino (the national language of 80 million Filipinos) continue to inspire the popular struggle for national democracy and genuine independence against U.S. imperialism. Born in Tondo, Manila, on September 13, 1903, Hernandez began his career in journalism in the twenties when the initial massive Filipino resistance against U.S. military rule had declined. He became editor of the Manila daily Mabuhay from 1932 to 1934. In 1939 he won the Philippine Commonwealth Award for a nationalist historical epic, Pilipinas; in 1940 his collection of mainly traditional poems, Kayumanggi, won a Commonwealth Award. During the Japanese occupation of the Philippines (1942-45), Hernandez served as an intelligence officer for the underground guerilla resistance, an experience reflected in his...

BALIKBAYANG SINTA

Image
ni E. San Juan, Jr. Lumipad ka na patungong Roma at London Balisang nakalingon sa ulap lulan ng naglaboy na panaginip Lubog sa alaala ng kinabukasang unti-unting nalulunod Lumipad ka na patungong Riyadh at Qatar Sa pagkamulat kukurap-kurap sa pagtulog puso'y nagsisikip Binabagabag ng sumpang naligaw sa salawahang paglalakbay Lumipad ka na patungong Toronto at New York Tinutugis ang biyayang mailap nabulusok sa patibong ng banyaga Sa ulilang pugad anong maamong pag-asa ang nabulabog Lumipad ka na patungong Chicago at San Francisco Kumakaway ka pa tiwalang may katuparang babati ng "Mabuhay!" Alinlangang luha'y naglambitin sa bahag-hari ng bawat yapos Lumipad ka na patungong Hong Kong at Tokyo "Di kita malilimot"--pumaimbulog ang tukso ng nabitiwang paalam Nabakling pakpak usok sa bagwis inalagwang talulot ng bituing nasunog Lumipad ka na patungong Sydney at Taipeh Ay naku, anong panganib ng gayumang sa pangarap nagkupkop Ibon kang nagpumiglas ...

THE THREE TEMPTATIONS

Image
"What death would you desire?" She says: "A bronze death that yields a cloister for the heart; or that which is charter for a giant, a silver death; or that for which one must labor: one's sacrament, that's a death of gold?" Alas, how can your pilgrim choose? Always there's the hissing of fire-- On my neck creeps the salamander! But here on this steadfast ground earth whereon the mighty have fallen, gnomes choir a bronze hymn to you and yet could I but rear for myself-- a giant's head far from all solitude-- O how the undine's luster shall flood into my silver sepulcher! For it is fate out of gorges between sheer cliffs that gives us wings for pilgrimage and you who dance like a scented sylph on the winds have not, have not the golden character of grace and should you but pray for me 'a fine and private place' plucked up for this death, my death, that's golden to you alone I give my only name-- "Oh, now, what death would you...

ABOUT THE AUTHOR

Image
ABOUT E. SAN JUAN, Jr. E. SAN JUAN, Jr. is director of the Philippines Cultural Studies Center and co-director of the Board of Philippine Forum, New York City. He was recently a visiting professor of literature and cultural studies at National Tsing Hua University and Fulbright professor of American Studies at Katholieke Universiteit Leuven in Belgium. He will be a Rockefeller Foundation research fellow at the Bellagio Center, Italy, this Fall 2006. San Juan was a fellow of the Center for the Humanities, Wesleyan University, and chair of the Department of Comparative American Cultures, Washington State University; and professor of Ethnic Studies, Bowling Green State University, Ohio. He was previously visiting professor of English and Comparative Literature at the University of Trento, Italy, and at the Graduate School of Tamkang University, Taiwan. San Juan received his graduate degrees in English & Comparative Literature from Harvard University. He taught at the University of ...

BANGON! MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT!

Image
BAGUHIN MO ANG IYONG BUHAY! Bago magpantay ang paa lumikas ka mula sa lugar ng engkuwentrong pinaghaluan ng balat at tinalupan Walang tanglaw sa pakikipagtipan ayaw tumawad sa sugal ng maskarang mapagpanggap Kinalawang na ang puso nilagok ang apdong hinugot sa kung saang tadyang Gumulong ang tadhanang palabiro, humihimok Kawing-kawing ang himutok Mula sa kumuno’y pabulaos— Busabos ng palad, bakit mo tinitiis? Kailangan, kailangan ang paghuhunos Namamalahibo, isingkaw mo ang nakaumang na pangil, isingkaw At huwag sumuko sa kabuktutan Walang tiyak na katubusan kaya itakwil ang larong mapanlinlang ng mandarayang kaulayaw Masahol pa sa lambutsingan ng hayop at malansang isda Iligtas mo ang puso sa tukso ng Aprodayteng iniluwa ng dagat-bula— Ano’t maghuhunos-dili o mag-aatubili? ...

ELEHIYA SA LEUVEN, BELHIKA

Image
Iiwan mo lahat ng iyong minamahal; ito ang palaso na unang ipinawawalan ng busog ng pagkatapon…. --Dante Alighieri Huli na raw ang lahat. Huli na, umalis na ang tren lulan ang gunita't pangarap. Huli na, lumipas na ang kamusmusan ng balikbayang naglagalag. Huli na, naiwan na tayo ng eruplanong patungong Tokyo at Los Angeles. Huli na, nakaraan na ang oras ng kagampan at pagsisiyam. Tumulak na, malayo na ang bapor patungong Hong Kong at Singapore. Nagbabakasakaling aabot pa ang kable--Sayang, di biro, nakapanghihinayang. Huli ka na sa pangakong pinutakti ng agam-agam at pag-uulik-ulik…. Huli na, nahulog na ang araw. Itikom ang labi, itiim ang bagang…. Kahuluga'y naanod-lumubog sa dagat Sargasso ng pagpapakumbaba't pagtitiis-- Pahabol ay di na magbubuhol--Tapos na ang pagsisisi't pagpapatawad…. Walang taga-ligtas ang lalapag sa tarmak mula sa lobo ng iyong pangarap. Huli na nga, nakaraos na ang kasukdulan, di na maisasauli ang naibigay. Sinong manlalakbay ang magkakaila ...

BUKAS, MAGKITA TAYO SA MAYNILA

Image
ITAGA SA BATO Ni E. San Juan, Jr. Naghiwalay tayo noong Disyembre 1991 sa kanto ng Blumentritt at Avenida Rizal. Ka Felix Razon, natatandaan mo ba? Bungkalin mo ang kalansay sa apog at lumot ng gunita upang masapol ang katotohanang taliwas sa kabuktutang naghahari. Inilantad mo ang kabulukan at pagtataksil ng gobyerno't militar sampu ng pagpuputa ng mga premyadong artista't intelektuwal kaya hindi nakapagtataka, hinuli ka't ikinulong, binugbog, ginutum sa bartolina, kinoryente ang bayag, parusang maka-abo't-dili-- Diyos ng awa, sinong makapagbubulag-bulagan sa krimeng nangyayari araw-araw sa bilanggong pulitikal? Sinong testigo ang magpapatunay?— dahil (bintang nila) ikaw raw ay komunista. Umaambong takip-silim nang tayo'y maghiwalay, patungo ka na sa asilo ng Utrecht, Holland…. Samantala sa Isabela at Davao, timog at hilaga ng kapuluan, patuloy ang paghihimagsik ng masa, ang "di-kagila-gilalas na pakikipagsapalaran" ng karaniwang mamayan, katuw...

Review of HIMAGSIK by E. San Juan, Jr.

Image
  Before and after Angelo de la Cruz: The Filipino since 1898     By B.S. MEDINA JR. [REVIEW OF: E. SAN JUAN, Jr., Himagsik: Pakikibaka Tungo sa Mapagpalayang Kultura. Manila: De La Salle University Press, 2004. PAPER reports, newscasts, even poolroom squabbles on US official/unofficial disappointment over the Philippines’ decision to pull out its humanitarian contingent from Iraq — "cowardice," says an American TV comic host — all make Epifanio San Juan, Jr.’s latest offering in criticism, Himagsik, timely, if not very necessary, reading for those who are weighing out an intriguing, even conscience-picking, and now simplistically put issue: Are you pro-American or whatever? And you might as well ask yourself, thinking of hostage-turned-man-of-the-hour Angelo de la Cruz: Are you pro-life or whatever? The Philippine decision to leave Iraq asserts that life is the only choice — and with it come the blessings and the bashings. The pull-out, too, points out that the present c...
Image
KALATAS MULA SA ANGHEL NG ANUNSIYASYON ...huwag nang banggitin pa ang pinakamasahol na droga—ang ating sarili—na ating sinususo kapag tayo’y nag-iisa. ----WALTER BENJAMIN …walang anu-ano'y nasaling ng kung anong bagwis anong pakpak napagulantang nagtaka't namangha kapagkuwa'y nakuhang tumabi sa matimtimang kaulayaw at bumulong…. Mahal, hindi ko malaman kung naibahagi ko na sa iyo ito: Nais kong malaman mong iniibig kita-- Nais kong mabatid mong minamahal kita-- Alam mo na ba ito? batid mo na ba ito? Naulinigan mo ba ang sinabi ko? Nasagap mo ba ang pagtatapat ko? Naunawaan mo ba ang mensahe ng pagsuyong ito? Naintindihan mo ba ang kahulugan ng mga salita ko? Natalos mo ba o di-natulusan ang patalastas na ito? Wala kang kibo kaya di ko mawari kung nagagap ang isinaad ng wika-- Hindi ko mawatasan kung nagpugad sa dibdib ang naisiwalat-- Wala kang imik kaya di ko matanto kung natatap mo ang naipahiwatig-- Aywan ko kung natarok mo ang kahulugan ng mga pangungusap-- Aywan ko ...

DALIT NI BALAGTAS

Image
HAHAMAKIN LAHAT, MASUNOD KA LAMANG Sa pagkakataong ito, Pebrero 14, 2006, Tamuneneng ko: “Dini sa dibdib ko na nahihilahil… nasa aking puso’t doon humihimbing” Ngunit bakit pa itatawid itong kapalaran “At lahat ng hirap pag-aralang bathin” Kung anumang layo, “kung ating ibigin daig ang malapit na ayaw lakbayin”? Gayundin ang sugat na kung tinanggap di daramdamin ang antak Ngunit kung umayaw o di payag galos lamang ay magnanaknak— Ay, d’yos ko, ay, Tamuneng ko, tanggapin ma’y sukdulang nagnanaknak! -- ni E. San Juan, Jr.

POSTCOLONIALISM & GLOBALIZATION

This summary is not available. Please click here to view the post.