ANALEKTA ni E. San Juan, Jr.
ANALEKTA: PAKIKIPAGTALIK NG TEORYA & PRAKTIKA
ni E. SAN JUAN, Jr.
A.
Hindi lahat ng batid o wani kailangang ipagsulit---
Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng balde-baldeng luha--
Sala sa lamig, sala sa init, sa pagmumura nagkasala'y nahuhuli--
Anak na di paluhain, ina't asawa ang patatangisin--
Dagat binubuo ng patak ng tubig, bundok ng buto't bungong maliliit--
Biyayang apoy at habagat, batuta man ay pinalalambot--
Batong-buhay ka man na sakdal tigas, unti-unting patak ng dura
tuloy maaagnas--
Malaki man at buhanghang, daig ang munting aring siksikan--
Maliit man daw ang sili may anghang na angking sarili--
Munti ma't matindi, daig ang nagmamalaki--
Mababaw man ang sugat, malalim ang ugat ng gurlis at pilat--
Kung minsan ang awa ay nagiging iwa, pasaling ma'y humihiwa--
Sugat na inilihim at tinakpan, gumaling ma'y balantukan--
Nasa tuldik ang awa, nasa lumagda ang gawa, siya nawa--
B,
Iba na ang isang hawak sa palad kaysa sandamakmak na lumilipad--
Kung mayroong itinanim, tila hindi tiyak na may aanihin--
Kapag may isinuksok sa dingding, kailangan pa bang tingalain?
Kung hangin ang itinanim, baka tsunami ang aanihin--
Bawat palayok daw ay may kasukat na suklob, isinukang tungtong--
Hanging pabula-bulangit, sandaling sakdal tuwid, kadalasa'y pilipit--
Sumala ang sandok sa palayok, gusing lihim ang nadukot--
Nagkamali ang hilot sa isinuksok, ay naku! sa puwit nadukot--
Ang sukli ng isang nasa kamao, higit sa ipinangakong dalawa o tatlo--
Walang mailap na baboy-ramo sa matiyagang patay-gutom--
Walang humawak ng kalan o nanghimasok sa lutong di naulingan--
Iba ang pugong huli na kumpara sa sungayang dadakpin pa--
Walang umani ng tuwa na di sa hinagpis naipunla--
Kung hiwaga ang itinanim, baka himala't masungit na aswang ang anihin--
C,
Humahabol ang nahuli sa unang humarurot sa pagsisisi-
Kapag iniamba dapat na itaga, kapag itinaga, maipatataga--
Ang anumang gawin, makapito mong isipin kung di ka pa nabigti--
Kung magagawa at di gawin, di na magagawa kahiman ibigin--
Tikatik man kung panay ang ulan, nakapinid na pilik-mata'y mapapaapaw--
Anumang gawang dinali-dali, malimit mangyari'y di mayayari't tuloy lugi--
Malabis na pag-asa, laging pangangarap, dalamhati ang ibubunga--
Bakit ka pa magsisisi gayong napariwara't di na makangingisi--
Walang masamang kaniya, walang mabuti sa iba, pag-aayaw-ayawin pa ba?
Hanap lamang ay hamog, putragis, buong katawan sa tubig naanod-
Kung di makipagsapalaran, di makatatawid sa magkaibayong karagatan--
Kaya maligo ka sa linaw, kahit duling o bulag, sa labo magbanlaw--
Walang unang sisi sa huling pangyayari, mayroon sa unang pagkawili--
Kung ang hirap ay masasal na, bisperas na kaya ng ginhawa?--##

Comments