ANG KABAYO SA TORINO
PAGBABALIK SA TORINO, ITALYA
ni E. SAN JUAN, Jr.
Isang tahimik na dapit-hapon iyon nang walang anu-ano’y latikuhin
at hagupitin ng may-ari ang kabayong upahan—
Ulanin siya’t arawin, walang imik kapwa
ngunit sandaling huminto, biglang hinataw, pinalo’t walang humpay na hinagupit
Nagkataong nasaksihan ito ni Friedrich Niezsche—
nanuot sa laman ng pantas ang latay mula bumbunan hanggang talampakan
dagling sumugod at niyakap ang pobreng hayop na nakalupasay,
pagkwa’y nauntol natigagal dahan-dahang bumalik sa ulilang silid
ilang araw pagkaraan, wala pang ‘sang linggo, siya’y natuklasang baliw….
Limot na ang kabayo ni Bartolommeo Colleoni, ni Heneral Andrew Jackson;
Hindi maisingkaw ang animal ni Don Quixote, isinugang Pegasus….
Sa lansangang maulap humahagos ang anino ng Imperador Alejandro
biglang dumagsa sa ulo ng tropang sumusugod
lulan ng dumadambang Bucephalus,
umaarangkada ang mga armadong kabalyero
Sa likod ng katedral sa Torino, bulong ng pagaspas ng palapa ng palma
Masisino ang anino ng nakasakay sa bisirong asno--tila nakayukong taong
tinaguriang “ilaw ng sanlibutan”
ngunit walang sumalubong, walang bumati
Sa lansangang maulap, eskinita’t lagusan, laganap pa rin ang alingawngaw
ng walang tigil na palo hagupit bugbog umaalmang ngitngit ng may-ari
bago pa dumating sina Antonio Gramsci at armadong masang bumabalikwas--
umaalma dumadamba hanap ang biktimang humahalinghing ng saklolo--
di kilala si Nietzsche di alam ang nangyaring pagsakripisyo ng kabayo sa Torino.

Comments