Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko, at hindi susuko!
--AMADO V. HERNANDEZ, "Panata sa Kalayaan"
No uprising fails. Each one is a step in the right direction.
--SALUD ALGABRE
JANUARY 2009 HAPPENING
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
“GLOBAL CRISIS, WAR, AND THE ACADEME”
DELIA AGUILAR E. SAN JUAN, JR. guest speakers
12 January 2009 10 am, CAL New Bldg. Rm 201
- Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP)
PAGSUBOK SA ISANG MAPAGPALAYANG PAGKILALA'T PAGTAYA SA SINING NI JOSE CORAZON DE JESUS ni E. SAN JUAN, Jr. Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop, / tubo ko’y dakila sa puhunang pagod….” --Francisco Baltazar, “Kay Selya” Only through the objectively unfolded richness of man’s essential being is the richness of subjective human sensibility either cultivated or brought into being…. The forming of the five senses is a labor of the entire history of the world down to the present. --Karl Marx, Economic and Philosophic Manuscripts of 1844 Dalawang bagay ang bumigo sa akin nang napakalaki: Ang paglipad ko sa Hongkong at ang paglagpak ko sa pulitika. --Jose Corazon de Jesus, “Talambuhay ng kanyang sarili” Dahil sa masidhing pagkagumon ng marami sa komersyalisadong aliwan--telenobela, pelikulang tatak-Hollywood, malling, kulto nina Bieber at iba pang dayuhang selebriti sa awitan at isports---pambihira na ang bumabasa o may in...
MEMORABILIA & SIPAT SA SINING NI ALEJANDRO G. ABADILLA, MANLILIKHANG MAPANGHIMAGSIK ni E. SAN JUAN, Jr. Mahigit na apat na dekada na ang lumipas pagkamatay ni Alejandro G. Abadilla (AGA ang maikling pantukoy ko rito sa awtor) noong 26 Agosto 1969. Bukod sa pamilya, kaunti lamang ang nakiramay, bagamat pinarangalan siya ng “Cultural Heritage Award” noong 1966. Hindi siya “National Artist.” Walang makatawag-pansing libing ang nasaksihan noon. At bihira lamang, sa pagkaalam ko, ang nagtanghal ng pagdiriwang sa malaking kontribusyon niya sa ating kultura liban na sa puta-putaking pulong ng mga masugid na alagad ng makabagong panulaan sa MetroManila. Sa katunayan, sa milenyong ito ng Internet at globalisasyong neoliberal, maliban sa ilang akademiko, tiyak na wala pang 1% ng mahigit 99 milyong Pilipino ngayon ang may kabatiran tungkol sa buhay at panitik ni AGA. Bakit? Ang literatura ay kahuli-hulihang bagay na ipinapag-ukulan ng pansin ng sosyedad sibil at gobyerno sa tinaguriang “...
LAGDA NI ANDRES BONIFACIO: Paghamon sa tadhana, himagsikan, at pagtupad sa kapalaran ng sambayanang Pilipino ni E. SAN JUAN, Jr. Professorial Lecturer, Polytechnic University of the Philippines Sa balik-tanaw, ang “lagda” ni Bonifacio sa ating kasaysayan ay masisipat sa kanyang birtud sa pagbuo ng Katipunan at praktikang diwa sa maugnayang pag-aklas. Nabunyag ang kakulangan noon nang paslangin siya ng pangkat ni Aguinaldo. Sa gayon, naging bagong mithi ng makabayang bugso ang pagtatamo ng hegemonya/gahum. Hindi sapat sa paglikha ng soberenya at pagpapasyang makabayan ang batayan ng Katipunan: rasong unibersal at karapatang pangkalikasan. Sa huling pagtutuos, ayon kay Mabini, naitakda ng ekonomiyang pampolitika ng piyudal/komprador na kaayusan ang limitasyon ng ilustradong nasyonalismong mana kay Aguinaldo. Buhay pa rin ang halimbawa ni Bonifacio sa aktuwalidad ng ahensiya ng lahat ng inaapi at pinagsasamantalahan. Nagkaroon ng bagong sigla ito sa himagsik ng mga...
Comments