Posts

Review of E. San Juan's AMBIL

Image
New Ways of Saying “Revolt! Change the System” as an ambil for the National Democratic Movement: a reading of E. San Juan Jr.’s Ambil: mga pagsubok pahiwatig & interbensiyon tungo sa pagbabagong-buhay by Ivan Emil A. Labayne In the Summary of Mark Angeles’ Poetics (2014) which Virgilio Almario moderated during the 2014 UP National Writers’ Workshop, a recurring point resurfaced regarding the hackneyed images of ‘political’ or ‘protest’ literature. For instance, Eugene Evasco had a challenge for Angeles: “pwede ba tayong sumulat ng mga protesta ngayon na higit na sariwa ang pagkakasulat? Sa tulang ‘Fortuna,’ narito ang mga imahen ng masong bumayo, umaasong bakal, piring, uhay ng katarungan—kumbaga, kung gumawa tayo ng katalogo ng mga tula ng protesta noong 70s, gamit na gamit ito. Ang teorya ko, ang mga problema noon, problema pa rin ngayon—pero hindi naman kailangang pareho parin ang mga imahen” (2014). Clearly, Evasco finds Angeles’ works as wanting. Ferdinand Jarin had a diffe...

TRAHEDYA-KOMEDYA SA MAMASAPANO, Dulang algoritmo ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
BALINTUNANG KOMEDYA  SA MAMASAPANO: Dulang Algoritmong Potensiyal (Alinsunod sa paraan ng Ouvroir de Litterature Potentielle) ni E. SAN JUAN, Jr. TAGPO 1: Balisa si Presidente Obama at mga upisyal sa Pentagon, Washington DC..Baka bumagsak ang dolyar at ordeng kapital-pampinansiyal, pag-ulit ng 2008 krisis, kung hindi mahuhuli sina Zulkifli bin Hir at Abdul Basit Usman. Binabalaan na sila ng mga CEO ng Goldman Sachs, JP Morgan, IMF at World Bank na dapat kagyat lutasin ang ugat ng panganib sa Pilipinas. Tulala si Obama dahil sa dalawang bagay, na dapat piliin ninyo:     Walang mahanap na Pinay/Pinay na eskiroll na magkukumpisal kung     nasaan ang dalawang terorista (tingnan ang Tagpo 8)     Itinago ni Putin ang dalawang rebelde dahil sa panghihimasok ng U.S. sa     Ukraine (tingnan ang Tagpo 9) TAGPO 2: Nagsuplong kay P'Noy Aquino ang isang ahente ng Taliban sa Afghanistan kung saan nagtatago ang dalawang kontrabida....

ANO ANG DAPAT GAWIN? Panayam ni E. San Juan Jr. sa PUP, Pebrero & Marso 2015

Image
ANO ANG DAPAT GAWIN? BALANGKAS SA PAGBUO NG MAPAGPALAYANG KRITIKA NG NEOKOLONYALISTANG ORDEN - ni E. San Juan, Jr. Professorial Lecturer, Polytechnic University of the Philippines     I.  DISKURSO TUNGKOL SA POLITIKA NG KASAYSAYAN Panimulang Hagod ng Kamalayan     Sa malas, ang kasaysayan ng Pilipinas ay isang mahaba't masalimuot na proseso ng pagbabago, buhat noong sakupin tayo ng Espanya hanggang sa pagbabalik ng U.S. sa kasunduang VFA (Visiting Forces Agreement)  at EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement). Hindi tuwid ang lakad ng mga pangyayari. Neokolonya pa rin tayo sa kabila ng pagiging Republikang formal noong 1946, kahiman ilang "Bayang Magiliw" ang kantahin sa bawat simula ng programa't pelikula saanmang sulok ng bayan.     Sipatin ang matinding kontradiksyon ng mga pwersa sa lipunan sa daloy ng historya. Bagamat pasulong ang direksiyon ng pakikibaka laban sa imperyalismo, bunga ng paghinog ng mga sapin-saping ko...