Posts

MAPAGPALAYANG PANITIKAN ni E. San Juan, Jr.

Image
 MAKABAYANG PANULAT  ( Lektura sa Polytechnic University of the Philippines 2/22/2014) -ni E San Juan,Jr. Makasaysayang pagkakataon ito upang pag-isipan natin ang halaga ng makabayang panulat sa panahon ng globalisasyon, panahon din ng malubha't lumalalang krisis ng imperyalismong sumasakop sa buong planeta. Panahon din ito ng paglantad sa "total surveillance" at "drone warfare" na isinasagawa ng US habang patuloy na pinatitingkad ang giyera laban sa "terorismo"--ibig sabihin, ang interbensyong paglusob at paglupig sa mga bayan at grupong kontra sa imperyalismo ng mga higanteng korporasyong nakabase sa US, Europa, Hapon--ang Global North at mga kaalyado nito. Sa okasyong ito, ilang tesis lamang ang ilalahad ko upang ganap na talakayin natin sa Open Forum, sa pagpapalitang-kuro. 1.  Bagamat kunwaring may kasarinlang republika buhat pa noong 1946, ang Pilipinas, sa katunayan, ay isang neokolonya ng US. Lantad ito sa pagdepende ng oligarkong gobyer...

MASAKER SA MENDIOLA--tula ni E. San Juan, Jr.

Image
MENDIOLA MASAKER:  Labintatlong Katawang Bumabangon --ni E. SAN JUAN, Jr. LEOPOLDO  ALONZO [22 Enero 1987: demonstrasyon ng mahigit 20,000 pesante't manggagawa     sa harap ng  Malakanyang] Ang kaisipan ay tandisang pagtutol sa kung anong katalahagan ang nakatambad sa harap natin... Lupang makulimlim      di maabot-tanaw ADELFA  ARIBE [13 ang napatay,  105 ang nasugatan, nang paputukan sila ng pulis at militar ng rehimeng Cory Aquino] Ang malalim na pagkabatid ay sumisibol sa pagpapakilala na ang mga nangyayari o mga  nadarama ay tumataliwas sa mga ideang ipinapataw ng rason o katuwiran. Unti-unting nagkakahugis        labintatlong aninong naglalagalag DANILO  ARJONA [Wala kahit isa sa mga pumatay ang inaresto't ipiniit, o nilitis sa hukuman] Magsimula tayo sa pagsalungat sa mga nangyayari, sa katalagahan. Saksi sa pinaslang ay walumpung mamamayang s...

TULA--Depinisyon, halimbawa--ni E. San Juan

Image
TULA ABA                                 ALIMURA                                                                                           ANAS                                           ...

LAMUYOT NG LIBOG -Tulang Konseptuwal ni E. San Juan, Jr.

Image
LAMUYOT  NG  LIBOG - Tulang Konseptuwal ni E. San Juan, Jr.

NOBELA NI EFREN ABUEG, HUWAG MONG SAKYAN ANG BUHAWI!--Kritika ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
                INTRODUKSIYON SA NOBELA NI EFREN ABUEG, HUWAG MONG SAKYAN ANG BUHAWI ni E. SAN JUAN, Jr.            Sa pulutong ng mga kabataang manunulat noong dekada 60 hanggang sa huling dako ng dantaong nakalipas, si Efren Abueg ay namumukod sa kanyang mapanghamong sosyo-realistikong sining. Mapanuri at progresibo, ang mga akda niya ay nagsilbing sandata sa kolektibong pagpupunyaging matamo ng sambayanan ang pagkakapantay-pantay, katarungan, dignidad ng bawat tao, at tunay na kasarinlan ng Pilipinas.     Isang halimbawa ng mapagpalayang sining ni Abueg ang nobelang ito na lumabas sa Liwayway noong 1985-86. Bantog na si Abueg simula nang gantimpalaan ang kanyang nobelang Dilim sa Umaga (1967) at kuwentong "Kamatayan ni Tiyo Samuel" (1967). Nailimbag kamakailan ang Mga Kaluluwa sa Kumunoy (2004) na kabahagi ng isang epikong panorama na- nag-umpisa sa Apoy sa K...

ANDRES BONIFACIO: Katwiran, Kalayaan, Katubusan--ni E. San Juan, Jr.

Image
HANDOG KAY ANDRES BONIFACIO: KATWIRAN, KALAYAAN, KATUBUSAN ni E. SAN JUAN, Jr.          Katakutan ang kasaysayan sapagkat walang lihim ang maitatago sa                 kanya. --GREGORIA DE JESUS      Ugali na kapag pinag-uusapan ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, ang "Supremo," nauuwi sa trahedya ng Tejeros/Naik/Maragondon.  Hindi trahedya kundi ironya o kabalighuan: ang pasimunong nagtatag ng Katipunan ang pinaratangang taksil sa rebolusyon at pinaslang noong Mayo 10, 1897. Ngunit kung hindi nangyari iyon, ang katunayan ng uring ilustrado at ng tusong  pagkakanulo't paglililo (mga katagang malason sa diwa ni Balagtas) nila sa rebolusyon ay hindi umabot sa kaganapan.         Subalit ang nakagawiang pagdakila sa bayani ay hindi garantiya na hindi mauulit ang pagdaraya ng mga mapagsamantalang uri. Masdan na lang ang pagbibigay muli ng ...

DISKURSO NI JOSE RIZAL: Kasaysayan, Himagsikanb ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
JOSE RIZAL:  PANGHIHIMASOK  NG  IMAHINASYONG PANGKASAYAYAN                ni E. SAN JUAN, Jr .          Palasak nang ituring sa kasalukuyan na ang paksang inihudyat ng pamagat ko sa lekturang ito'y gamit na gamit na, ibig sabihi'y nakasusuya kundi nakaaantok. Ako man ay sawa na sa mga panayam at talumpating nag-uumapaaw sa clicheng pumupuri sa kabayanihan ng "First Filipino" (bansag ni Leon Ma. Guerrero),  mga gasgas na halimbawa at de-kahong pagtataguyod ng kumbensyonal na sukat ng kahalagahan ayon sa pamantayan ng dominanteng uri sa lipunan. Lihis sa nakaugaliang pagtatanghal sa kulto ni Rizal, sa panimula'y nais kong isusog ang ilang panukalang makasisilbing mapanghamong pambungad sa ilang repleksiyon ko tungkol sa tatlong sanaysay ni Rizal: "Liham sa Mga Kakabaihan sa Malolos" (1889), "Sobre la Indolencia de los Filipinos" (1890), at "Filipinas, dentro de Ci...