Posts

ULIKBA & at iba pang tula--E. SAN JUAN, limbag ng UST Publishing House (2013)

Image
 BAGONG LIBRO NG MGA TULA NI E. SAN JUAN, Jr.  UST Publishing House, 2013 ULIKBA at iba pang tula ay kalipunan ng mga bagong tula ni E. SAN JUAN, Jr., dating propesor sa English & Comparative Literature, Unibersidad ng Pilipinas; kasalukuyang emeritus propesor sa English, Comparative Literature & Ethnic Studies, Washington State University at University of Connecticut. Dating fellow ng W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University, siya ngayon ay fellow ng Harry Ransom Center, University of Texas, Austin. Naging visiting professor of American Studies sa Leuven University, Belgium;  sa National Tsing Hua University, Hsinchu, Taiwan; Trento University, Italya; at sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Mula pa noong dekada 1960 nang katulong siya ni Alejandro Abadilla sa PANITIKAN, lumabas ang apat na libro niya ng mga tula; sinipi mula roon ang nakalakip sa Alay sa Paglikha ng Bukang-Liwayway (Ateneo University Press). Sumunod ang Sapagkat ...

KALIGRAMA ni E. SAN JUAN, Jr.

Image
KALIGRAMA Ilang Pagsubok  ni  E. San Juan, Jr. Makulimlim sa Perlas ng Silanganang abot-tanaw ng bulag naghihintay ng     kidlat sa pagsabog ng Amerikanong  misil Pagsabog ng drone paano ipaliliwanag sa nagdilim na utak ni Anlawki  Olalia      Alejandro  Kumander Posa Bagwis ng salagimsim sa Los Alamos  6 Agosto 1945 ang lumapag sa  pusod ni     Imperador Hirohito Ipinag-isang dibdib sa Hiroshima ang dalumat ni Oppenheimer at bangungot ni     Newton alay ang krisantemum sa Buda Mula sa usok ng masaker sa Mendiola  22 Enero 1987 nagkahugis ang mga     kaluluwang  naglaho Salamisim mula sa nabiyak na lupa  guniguni ng kamandag ng sayaw ni Salome      gunam-gunam ng pugot na ulo ni San Juan Bautista Di na kimkim sa kamao, maiwawaksi ba ang baka-sakaling pangyayari sa isang     hagis     ng dais  bahala...

BALINTUNAY

Image
HINUHA’T  MUNGKAHING  BALINTUNAY Ni  E. SAN JUAN, Jr . 1.  Katulad ng propetang sumulat sa buhangin hinuhulaan ang gayuma ng babaeng lumagda ng kababalaghan 2.  Sa sulong umaandap nagkristal ang uling sa tuminding kislap ng diyamante 3.  Iminungkahi na ang tumpak na landas ay isang lubid na bahagyang nakaangat sa lupa upang tisurin ka imbes na gabayan at ugitan 4.  Sa unang pagkanulo ang sakit dito’y hindi sumusuob sa luwalhating darating  kaya di nalililiman ng ligayang taksil sa bawat sandali umula’t umaraw man 5.  Maraming lugar na mapagsisilungan ngunit isa lamang ang pook ng katubusan bagamat maraming paraan ng pagtubos at pagkanlong 6.  Pagkatapos ng unang pagtataksil  nasulyapan  natin sa entablado ang ngiti ng dalaga sa kanyang irog habang nagmunukalang inireserba ang isa para sa iyo  Ay naku  nuynuyin na lamang ang sisteng ito 7.  Naglalaro pa lamang ang mga hayop sa bakuran ng mangang...

ERICSON ACOSTA, BILANGGONG PULITIKAL, MAKATA AT KOMPOSITOR

Image
INTRODUKSIYON SA  "PITONG SUNDANG: MGA TULA AT AWIT" NI ERICSON ACOSTA - -ni   E. SAN JUAN, Jr.           Malamang na di na kailangang ipakilala pa sa madla ang awtor ng librong ito, si Ericson Acosta (Ka Eric dito), ibinilanggong manunulat, kompositor, mang-aawit, peryodista, at aktibistang intelektuwal. Ngunit walang katiyakan sa buong mundo. Sa kaharian ng Kapital lukob ang neokolonyang Pilipinas na  (sa turing ni Ka Eric) isang malaking "penal colony," lahat ng matatag (ang status quo) ay lumalambot, nalulusaw, nagsasabula. Walang permanenteng sitwasyon saanmang lugar. Nagbabago, nag-iiba ang lahat--katawan, kulungan, gawi, institusyon, ikaw, ako, tayong lahat.     Gayon ang nangyari kamakailan. Sa tulong ng mga kampanya ng SELDA, KARAPATAN at mga organisasyong internasyonal, pansumandaling nakalaya si Ka Eric, mahigit 23 buwang nakapiit, upang maikonsulta ang kalusugan. Nagkaroon siya ng malubhang sak...
Image
LARAWAN, IDENTIDAD, KASAYSAYAN:   Tungo sa Pagsusuri ng Ideolohiya ng Komodipikasyon at Nahumaling na Karanasan ni E. SAN JUAN, Jr.   Ang paksa ko rito ay tungkol sa kaugnayan ng fotograpo/imahen at bisang makatotohanan o epektong makatunay. Bagamat may sulyap sa arte o sining ng kamera, hindi ito ang pangunahing paksa rito. Kaunting pagtitimpi kung hindi ako sang-ayon sa inyong maling pag-aakala.  Binatikos ako ng isang barumbadong miron dahil hindi raw mahusay ang snapshots na pinili ko. Hindi kahusayan o kagandahan  ng kuha ang ginagalugad dito kundi ang relasyon ng gawang-kamera (camera work) sa pagpapaunlad at pagpapalalim ng ating kabatiran tungkol sa buhay ng tao, karanasan, lipunan, at kalikasan.  Hindi lamang karunungan o interpretasyon, wika nga, ang kailangan kundi kung paano babaguhin ang mundo batay sa tumpak na kaalaman o siyentipikong pagtarok sa realidad. Tumpak na interpretasyon, wastong gawa. Sa kapitalistang lipunan, komoditi/bilihin ...

MULA SA BITUKA NG HAYOP--tula ni E. San Juan, Jr.

Image
TELEGRAMA   MULA    SA     “BITUKA   NG   HAYUP”                         --“ I want no prisoners… I want you to kill and burn….”                         —Gen. Jacob Smith, Balangiga, Samar, Philippines, 1901 Bayan ng gatas at pulot-pukyutan. Limahid na mga lasing   nakalupasay   sa bangketa sa Bowery sa tanghaling tapat. Sa bawat kanto ng gusaling Empire State   mga nagdidilihensiyang panhandler. Sa Times Square, mga putang   gumagala      (pa-cute daw)        “Oh bebi bebi!” Ang mga kakutsabang voyeur ni Col. Edward Lansdale, padrino ni Magsaysay. Anong grasyang hinihintay ng mga kalapating nagtipanan sa lawa sa Centra...

JOSE RIZAL AT KASAYSAYAN --E. San Juan, Jr.

Image
JOSE RIZAL:   PANGHIHIMASOK   NG   IMAHINASYONG PANGKASAYAYAN ni E. SAN JUAN, Jr.                  Palasak nang ituring sa kasalukuyan na ang paksang inihudyat ng pamagat ko sa lekturang ito'y gamit na gamit na, ibig sabihi'y nakasusuya kundi nakaaantok. Ako man ay sawa na sa mga panayam at talumpating nag-uumapaaw sa clicheng pumupuri sa kabayanihan ng "First Filipino" (bansag ni Leon Ma. Guerrero), mga gasgas na halimbawa at de-kahong pagtataguyod ng kumbensyonal na sukat ng kahalagahan ayon sa pamantayan ng dominanteng uri sa lipunan. Lihis sa nakaugaliang pagtatanghal sa kulto ni Rizal, sa panimula'y nais kong isusog ang ilang panukalang makasisilbing mapanghamong pambungad sa ilang repleksiyon ko tungkol sa tatlong sanaysay ni Rizal: "Liham sa Mga Kakabaihan sa Malolos" (1889), "Sobre la Indolencia de los Filipinos" (1890), at "Filipinas, dentro de Cien Anos" (1890). ...