Posts

BALINTUNAY

Image
HINUHA’T  MUNGKAHING  BALINTUNAY Ni  E. SAN JUAN, Jr . 1.  Katulad ng propetang sumulat sa buhangin hinuhulaan ang gayuma ng babaeng lumagda ng kababalaghan 2.  Sa sulong umaandap nagkristal ang uling sa tuminding kislap ng diyamante 3.  Iminungkahi na ang tumpak na landas ay isang lubid na bahagyang nakaangat sa lupa upang tisurin ka imbes na gabayan at ugitan 4.  Sa unang pagkanulo ang sakit dito’y hindi sumusuob sa luwalhating darating  kaya di nalililiman ng ligayang taksil sa bawat sandali umula’t umaraw man 5.  Maraming lugar na mapagsisilungan ngunit isa lamang ang pook ng katubusan bagamat maraming paraan ng pagtubos at pagkanlong 6.  Pagkatapos ng unang pagtataksil  nasulyapan  natin sa entablado ang ngiti ng dalaga sa kanyang irog habang nagmunukalang inireserba ang isa para sa iyo  Ay naku  nuynuyin na lamang ang sisteng ito 7.  Naglalaro pa lamang ang mga hayop sa bakuran ng mangang...

ERICSON ACOSTA, BILANGGONG PULITIKAL, MAKATA AT KOMPOSITOR

Image
INTRODUKSIYON SA  "PITONG SUNDANG: MGA TULA AT AWIT" NI ERICSON ACOSTA - -ni   E. SAN JUAN, Jr.           Malamang na di na kailangang ipakilala pa sa madla ang awtor ng librong ito, si Ericson Acosta (Ka Eric dito), ibinilanggong manunulat, kompositor, mang-aawit, peryodista, at aktibistang intelektuwal. Ngunit walang katiyakan sa buong mundo. Sa kaharian ng Kapital lukob ang neokolonyang Pilipinas na  (sa turing ni Ka Eric) isang malaking "penal colony," lahat ng matatag (ang status quo) ay lumalambot, nalulusaw, nagsasabula. Walang permanenteng sitwasyon saanmang lugar. Nagbabago, nag-iiba ang lahat--katawan, kulungan, gawi, institusyon, ikaw, ako, tayong lahat.     Gayon ang nangyari kamakailan. Sa tulong ng mga kampanya ng SELDA, KARAPATAN at mga organisasyong internasyonal, pansumandaling nakalaya si Ka Eric, mahigit 23 buwang nakapiit, upang maikonsulta ang kalusugan. Nagkaroon siya ng malubhang sak...
Image
LARAWAN, IDENTIDAD, KASAYSAYAN:   Tungo sa Pagsusuri ng Ideolohiya ng Komodipikasyon at Nahumaling na Karanasan ni E. SAN JUAN, Jr.   Ang paksa ko rito ay tungkol sa kaugnayan ng fotograpo/imahen at bisang makatotohanan o epektong makatunay. Bagamat may sulyap sa arte o sining ng kamera, hindi ito ang pangunahing paksa rito. Kaunting pagtitimpi kung hindi ako sang-ayon sa inyong maling pag-aakala.  Binatikos ako ng isang barumbadong miron dahil hindi raw mahusay ang snapshots na pinili ko. Hindi kahusayan o kagandahan  ng kuha ang ginagalugad dito kundi ang relasyon ng gawang-kamera (camera work) sa pagpapaunlad at pagpapalalim ng ating kabatiran tungkol sa buhay ng tao, karanasan, lipunan, at kalikasan.  Hindi lamang karunungan o interpretasyon, wika nga, ang kailangan kundi kung paano babaguhin ang mundo batay sa tumpak na kaalaman o siyentipikong pagtarok sa realidad. Tumpak na interpretasyon, wastong gawa. Sa kapitalistang lipunan, komoditi/bilihin ...

MULA SA BITUKA NG HAYOP--tula ni E. San Juan, Jr.

Image
TELEGRAMA   MULA    SA     “BITUKA   NG   HAYUP”                         --“ I want no prisoners… I want you to kill and burn….”                         —Gen. Jacob Smith, Balangiga, Samar, Philippines, 1901 Bayan ng gatas at pulot-pukyutan. Limahid na mga lasing   nakalupasay   sa bangketa sa Bowery sa tanghaling tapat. Sa bawat kanto ng gusaling Empire State   mga nagdidilihensiyang panhandler. Sa Times Square, mga putang   gumagala      (pa-cute daw)        “Oh bebi bebi!” Ang mga kakutsabang voyeur ni Col. Edward Lansdale, padrino ni Magsaysay. Anong grasyang hinihintay ng mga kalapating nagtipanan sa lawa sa Centra...

JOSE RIZAL AT KASAYSAYAN --E. San Juan, Jr.

Image
JOSE RIZAL:   PANGHIHIMASOK   NG   IMAHINASYONG PANGKASAYAYAN ni E. SAN JUAN, Jr.                  Palasak nang ituring sa kasalukuyan na ang paksang inihudyat ng pamagat ko sa lekturang ito'y gamit na gamit na, ibig sabihi'y nakasusuya kundi nakaaantok. Ako man ay sawa na sa mga panayam at talumpating nag-uumapaaw sa clicheng pumupuri sa kabayanihan ng "First Filipino" (bansag ni Leon Ma. Guerrero), mga gasgas na halimbawa at de-kahong pagtataguyod ng kumbensyonal na sukat ng kahalagahan ayon sa pamantayan ng dominanteng uri sa lipunan. Lihis sa nakaugaliang pagtatanghal sa kulto ni Rizal, sa panimula'y nais kong isusog ang ilang panukalang makasisilbing mapanghamong pambungad sa ilang repleksiyon ko tungkol sa tatlong sanaysay ni Rizal: "Liham sa Mga Kakabaihan sa Malolos" (1889), "Sobre la Indolencia de los Filipinos" (1890), at "Filipinas, dentro de Cien Anos" (1890). ...