BAKAS: Dalumat ng Gunita't Hinagap, Memorya ng Kinabukasan--Tula ni E. San Juan, Jr.
   BAKAS:  Dalumat ng Gunita’t Hinagap, Memorya ng Kinabukasan     — ni  E. SAN JUAN, Jr.            AVENIDA RIZAL, STA. CRUZ (1938-1944)        Buhay ay pakikipagsapalaran, lihis sa iyong pagnanais o pagnanasa   Pook na dinatnan ay hindi nakaguhit sa dibdib, balintunang hinala   Pook na binagwis ng alaala’t pag-aasam   Tumatawid sa agwat/puwang ng panahong gumugulong sa buhangin   Nakalingon habang dumudukwang sa agos ng alon—    anong kahulugan ng pagsubok at pangakong itinalaga ng panahon?    Tayo ba ang umuugit sa daluyong ng kapalaran?     Lumilihis sa bawat liko, sa bawat sandali nag-iiwan ng bakas ang katawan   Sa bawat sulok, matatagpuan ang uling/alabok ng buong kasaysayan—   Bumabagtas sa bawa’t yugto ang tunggalian ng uri, saan kang panig makikisangkot,    kaya kailangang magpasiya   Upang masunggaban ang sungay ng tadhana, ikawing ito      sa ating adhika’t pangangailangan ng komunidad—   Tanong mo’y saan? Sagot ko’y kailan?  Bibingka ng hari, di mah...