Posts

ANG TAGUMPAY NI MARIA LORENA BARROS

Image
  ANG TAGUMPAY NI MARIA LORENA BARROS [18 MARSO 1948-23 MARSO 1976] Tulang pagpupugay ni E. San Juan, Jr. Punglong sumabog-- Simbuyo ng paghihimagsik! Ipinagkaloob mo ang iyong metalikong kaluluwa sa dapog ng rebolusyon Di kailangan ang uling ng pagdadalamhati Di dapat mamighati Tilamsik ng dugo Sa sugatang himaymay ng iyong dibdib umapoy, sumigid Ang umaasong adhika: Kaluluwa mo'y masong dudurog sa tanikala ng kadiliman Sumagitsit, napugnaw-- Sa lagim ng iyong pagkatupok, titis ng hininga mo'y Di tumirik, di nagsaabo.... Ang pasiya mong lumaban ay nagbaggang tinggang umagnas, lumusaw sa anumang  balakid. Kailangang magpatigas Dapat maging bakal-- Hindi ginto o pilak-- Ang kaluluwa upang sa sumusugbang lagablab ng pag-usig sa kabuktutan Pandayin ang katawan ng ating pagnanais Pandayin ang pinakamimithing kalayaan Pandayin ang liwanag ng kinabukasan. [Mula sa  E. San Juan, ALAY SA PAGLIKHA NG BUKANG-LIWAYWAY (Ateneo University Press, 2000,

TUNGKOL SA NOBELA NI LUALHATI BAUTISTA, DESAPARESIDOS

Image
  DESAPARESIDOS ni Lualhati Bautista: Ideolohiya, Praktika, Rebolusyon  Isang Metakomentaryo ni  E. San Juan, Jr .  Professorial Lecturer, Polytechnic University of the Philippines Pambungad     Sa unang malas, umaayaw na o natatabangan ang marami sa pagkasulyap sa salitang "ideolohiya." Ano ba ito, propaganda o chika tungkol sa politika na hindi bagay sa okasyong itong pagsunod sa binagong K-12 curriculum. Kung inyong nabasa ang Batas at Memo ni Dir. Licuanan, nais daw hasain ang estudyante sa kritikal at malikhaing pag-iisip upang itransporma ang sarili at kapaligiran. Naku, bigating layunin ito. Idiniin din na kailangan daw iakma o iayon ang turo't aralin sa global istandard (tingnan ang Department of Education Webpage).      Isa sa required reading sa mga kolehiyo sa Europa & mga bansa sa Aprika at Amerika ang The German Ideology nina Marx at Engels. Tiyak na alam ng lahat na bawal ang komunistang lathalai't usapan sa mga klasrum, laluna sa

BIDEN (U.S.) VERSUS DUTERTE (CHINA): PROSPECT FOR U.S.-PHILIPPINE RELATIONS

Image
  PROSPECT FOR U.S.-PHILIPPINE RELATIONS:   U.S.- BIDEN VERSUS CHINA-DUTERTE? Featuring an Interview with Bill Fletcher  by E. San Juan, Jr. Amid the horrendous pandemic ravaging of the globalized political-economy of Europe and North America, particularly the imperial U.S. heartland with close to half-a-million deaths, peripheral nations remain negligible. The neoliberal consensus has collapsed, inaugurating a new era of trade wars and ecological disasters. Such “shithole” countries like the Philippines, to use President Trump’s rubric, rarely enter public attention.  For over half a century, the Philippines was the only U.S. colony in Asia—now a neocolony—trumpeted as “a showcase of democracy” during the Cold War years. Since 1946, the U.S. has provided huge amounts of military aid to suppress popular rebellions of peasants and workers. During the Marcos dictatorship, Pentagon counter-insurgency measures buttressed the exploitative minority rule of oligarchic comprador